Kabanata 6

2383 Words
Pretzel's POV "Ah-ouch!" Napalakas ang pag-aray ko matapos aksidenteng makagat ang sariling dila habang palabas ng pinto ng isang sikat na tindahan ng masasarap at mamahaling mga kape, sunod niyon ay may nalasahan akong kakaiba kaya napahinto ako sa paghakbang ng paa dahil sa pangambang nasugat at dugo ang aking nalasahan. Sinipsip ko't dinura sa tisyu na nakuha kong tisyu sa loob ng supot ng mga binili kong kape. Doon ko nakumpirmang dugo nga ang kakaibang lasa base sa mapulang likido sa tisyung aking hawak. Muli kong sinipsip upang alamin na rin kung nagdurugo pa ang parteng aking nakagat, sa kabutihang palad ay wala na ang kakaibang lasa. Tinapon ko agad sa basurahan ang tisyung may dugo at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa lugar kung saan ko pinarada ang aking sasakyan. Palinga-linga sa paligid, sinisiyasat kung mayroon bang mga nakamasid na mga mata at naagaw ang pansin ng aking biglaang sigaw kanina. Mabuti na lamang at mangilan-ngilan pa lang ang mga tao sa paligid at nasa labas na ako ng establisyemento ng mga oras iyon, dahil kung hindi ay tiyak na pagtitinginan talaga ako ng mga tao at baka isipin pa na nagpapapansin ako sa kanila. Mga parokyano pa naman ng lugar na ito'y mga taong may "say" sa buhay at dito ko madalas nakikita ang mga kabataan na nagtatambay para masilayan ang mga hinahangaan nila. May mga pagkakataon pa nga na mga modelo ang nakikita ko rito ngunit wala naman akong pakialam sa mga iyon, gusto ko lang ng kape at ang masarap na cheese cake nila rito. Sabi nila kapag nakagat daw ang dila ay may taong nagsasabi ng masama tungkol saiyo, mga kasinungalingan o kaya naman ay hinuhusgahan ka ngunit sino naman ang gagawa n'un sa'kin? Wala naman akong kaaway at wala naman akong inaaway nitong mga nagdaang araw. Napaisip pa tuloy, pero teka, baka iyong coordinator. Siya lang naman ang huli kong nakasagutan at iyon ay kagabi lang nangyari. Halos masampal ko sarili ko nang maalala ang sagutan namin kagabi, hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Matapos lang ang order niyang ito'y hindi na siya makakaulit. Siya na ang masarap niya kurotin sa singit. Ai! Wag pala singit, baka iba pa makurot ko. Lalaki pa rin siya kahit pusong babae. Imbyernang baklosh. Nakakakilabot lang isipin na makurot ang ano niya. Eww! Hindi na nga nakatulog ng maayos kagabi, uumpisahan pa ng ganito. Iniisip ko rin kung anong mga kasiraan ang pwede nilang sabihin tungkol sa akin, wala naman siyang mahuhusga sa pisikal kong katangian. Aba'y kahit hindi ako nagpupunta ng gym ay maganda ang hubog ng katawan ko, hindi kasi ako tabain dahil pawisin akong tao. Nakaka-curious na nakaka-concious na nakakainis ang umagang ito. Tatlong kasal pa naman ang iintindihin namin ngayong linggo. Unang beses na nagkasabay-sabay sa loob ng isang linggo, maswerte na rin dahil kami ang napili ng mga wedding organizers nila na kuhanan ng mga bulalak. Nagkaproblema lang sa isang order, kagabi ko lang nagtanggap ang text ng na galing mismo sa may-ari ng taniman ng mga rosas sa Benguet. Hindi raw nila kayang mag-produce ng puting rosas ngayon dahil sa mga nagdaang mga bagyo. Karamihan sa mg tanim nila ay namatay at hindi pa bumubuka ang mga bulaklak ng mga naisalba nila. Nakakalungkot ang nangyari sa kanila. Iyon lang din kasi ang pinakukunan nila ng ikabubuhay at dahil walang signal sa kanila ng halos dalawang linggo kaya hindi niya agad ako natawagan para sabihan. Humingi pa siya ng paumanhin dahil dito, hindi naman nila kasalanan. Matagal ko na silang supplier at dahil may alam din ako sa mga halaman ay alam ko kung gaano katagal bago sila muling makabawi sa mga nawala sa kanila. Agad kong pinaalam sa wedding organizer ang balitang at hindi ko inaasahan ang reaksyon niya. Naghisterikal ang bakla dahil dalawang araw na lamang at kasal na ng kanyang kliyente. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil late na rin nang sabihan ako ng supplier. Sa madaling banda, walang may kasalanan kaya para walang sisihan, sinabihan ko na lamang siya na susubukan naming maghanap ng paraan. Masyadong demanding ang wedding organizer na iyon kahit pa unang beses niya pa lang sa'kin lumapit para sa isang event, madalas kasi noon ay sa ibang mga flowershop siya kumukuha at bali-balita ko na noon pa na isa siya sa mga iniiwasan nilang kustomer. Dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit at inaccept ko ang order niya. Pinilit pa ako dahil muntik ko na siyang tanggihan, masyado kasing marami ang isang libong bulalaklak para sa isang simpleng kasal lang. Siguro'y wala siyang mahanap na flowershop na i-entertain siya dahil sa attitude niya. Daig pa kasi ang isang mayordoma o sinumang bilyonaryong kabayo, akala mo'y mga kasambahay niya kami kung magsalita sa'min at para bang may kasulatan akong pinirmahan na milyon ang halaga para magkanda ugaga para gawan ng paraan ng problemang ito. Sinabihan ba naman ako kagabi na irereklamo niya ang business ko kapag hindi ko nahanapan ng paraan. Kung tutuusin nga ay kaya ko ring gawin iyon. Kung sana lang ay maging considerate naman siya dahil alam niya namang tatlong malalakas na bagyo ang dumaan at nasalanta ang mga taniman ng mga bulaklak pero hindi niya iyon maintindihan. Ewan ba sa taong iyon. Ang lakas ng loob magrequest ng imported samantalang dalawang araw na lang kasal na ng kliyente niya, parang wala siyang ideya kung gaano katagal ang shipping from abroad papunta dito. Gusto niya ng magagandang klaseng rosas dahil mayaman raw ang mga ikakasal, pero namamahalan naman sa presyo. Mukhang malaki ang singil niya pero gusto magtipid para malaki ang hugot. Hay naku! Sinabihan ko na lang ang mga staffs ko na pumasok ng maaga para tulungan ako. Doble bayad nila sa araw na ito dahil dito. Kailangan namin maghanap ng local farms o ibang flowershops na may available na white roses kahit pa napakababa ng tyansa na may mahanap kami. Mabuti na lang walang puproblemahin sa dalawa pang event na darating at nafollow-up na namin sa supplier at nakaready na daw for harvest ang mga bulaklak two days before ng events. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nang tumawag si Mel, ang assistant ko. "Good morning ma'am. Nasa shop na po ako. Pati po si Irish at Paul." Bungad nito. "Salamat naman. On the way na ako, bumili na rin ng agahan natin." Sagot ko naman. "Sige po." Anito at pinatay na ang tawag. Naglilinis sila nang dumating ako sa shop, agad kinuha ni Paul ang mga dala ko at inayos na sa lamesa. "Kain muna tayo, mamaya na 'yan. Marami pa tayong gagawin kailangan natin ng marami-raming enerhiya today." Yaya ko sa kanila. Tumalima naman ang tatlo at habang kumakain ay pinausapan namin ang mga gagawin. Inihanda na ni Mel ang yellow page at nakahighlights na rin ang mga numero ng kakilala namin at mga malalapit na flowershop. Iyon ang plan A at kung wala ay Plan B naman, kung saan mga flowershop sa mga sunod na mga bayan ang tatawag namin. Ang plan C naman ay back-up plan, kung wala talagang paraan at hindi naman makulekta ang isang libong puting rosas ay saka kami hahanap ng alternatives. Ang mahalaga naman mairaos ang kasal at puting mga bulaklak ang ipapalit, di bale ng mapasobra o mapamahal kami ng bayad basta masolusyunan lang naman ito. "No to artificial" ang utos ni Madam kaya kailangan gawin ang lahat. ***** Narrator: Habang abala ang apat para lutasin ang problema ay nagpapakaabala rin si Ginang Damian sa kanyang hardin upang iwasan ang asawa. Alam niya kasing maiinis lang siya kapag pinagpatuloy pa nila ang paguusap nila kanina, lalo pa't inumpisahan na nitong pagisipan ng isang bagay na alam niyang imposibleng ang kanilang nagiisang anak. Ang Ginoo naman ay pakunwaring may inaayos sa kanilang sasakyan sa garahe ngunit nakikiramdam lamang sa kanyang misis na alam niyang inis sa kanya. Palinga-linga sa tuwing dadaan ito at nagaantay na tawagin siya. Gusto niyang lapitan ngunit nagdadalawang-isip. Natatakot na bulyawan siya ng kay aga. Hindi naman niya siya seryoso na paratangan ang kanilang anak ng isang bagay na hindi siya sigurado, ang nais niya lamang ang tanungin ang misis dahil baka pareho sila ng iniisip. Ang Manang Sol naman ay walang ideya sa kung ano ang dahilan ng pagiiwasan ng dalawa. Pinapanood niya lamang sila sa mga ginagawa mula sa bintana. Parang mga bata na nagiiwasan at nagtataguan. Hindi niya tuloy masabi kung mabuti bang ganoon sila dahil nagkaroon ng katahimikan ang kabahayan. Walang makukulit at nagaasaran, ngunit hindi niya naman maiwasan na magalala, baka lumaki ang problema at tumagal pa. Minabuti niya na lamang magluto at silip-silipin sila dahil talagang naninibago siya sa tahimik na bahay nila. Habang nagluluto ay hindi na siya makatiis, tinawagan niya si Pretzel ngunit hindi nito sinasagot kaya sa telepono ng flowershop ang sunubukan niyang tawagan ngunit busy ito. Sinubukan niya uli at sa pagkakataong iyon ay may sumagot na at boses iyon ni Mel. "Good morning! Mama's Choice Flowershop, how can I help you?" Masiglang bati nito sa kanya. "Good morning Mel si Manang Sol ito, nandyan ba si Pretzel?" Tanong niya naman rito. "Hello Manang, wait po." Mabilis nitong sagot sa at pinuntahan si Pretzel sa loob ng opisina nito dala ang wireless na telepono. Dali-dali niyang binigay ang telepono at pinaalam kung sino ang nasa kabilang linya. Takang kinuha niya naman ito kay Mel dahil hindi naman gawain ni Manang Sol ang tumawag sa telepono ng flowershop, ang madalas nitong tawagan ay ang numero niya kapag may importante itong sasabihin at kapag may kailangan. "Yes Manang? May nangyari po ba dyan sa bahay?" Agad na tanong ni Pretzel dala ng paninibago sa biglaan nitong pagtawag. "Wala naman anak, ay! meron pala!" Sagot nito nang naguguluhan. "Ano ba yan? Hindi ko alam kung problema ba ito. Ito kasing Mama at Papa mo, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Nagising ako ng tahimik ang bahay, akala ko'y umalis ang dalawa, iyon pala'y nandito naman ngunit di nagiimikan." Mabilis na dugtong niya. Napaisip naman si Pretzel sa sumbong ng matanda. Wala namang nangyari kaninang umaga. Mukha namang maayos gising ng Mama niya, bukod sa namuti nitong mukha. Wala tuloy siyang maisagot. Sinanbi na lamang niyang bantayan sila at kung magawa niyang itanong ang isa sa kanila sa dahilan ay balitaan siya. Um-oo naman ang matanda at nagpaalam na. Binaba na ng Manag Sol ang telepono, sakto namang pagpasok ng Ginang sa kusina at dumiretso sa may lababo at akmang may hinahanap sa mga drawer. Isa-isa niya itong binuksan at sinari rin agad matapos masilip nang laman. Nanlaki ang mata ng matanda nang damputin nito ang kutsilyo sa huling drawer na binuksan nito. "Hay naku anak! Anong gagawin mo riyan?" Gulat na tanong nito. Nilingon naman ng Ginang ang Manang at wala siyang mabasang ekspresyon sa mukha nito dahilan upang matakot ito. "May puputulin lang po ako." Sagot niya sa matanda habang pinagmamasdan ang talim ng kutsilyo. Ang imahinasyon ng matanda ay agad namang lumawak at kung anu-ano ang pumasok na ideya. "A-anong puputulin mo? Ako na ang puputol." Kinakabahang tanong nito sa kanya. Hindi nito ito sinagot, bagkus ay nagtanong. "Ito po ba pinakamatalim nating kutsilyo?" Walang anu-anong usal nito. Takot at kinakabahang sumagot ng matanda. "O-oo yata ay hindi, meron pa diyang mas matalim. Ano bang puputulin mo?" Muli niyang tanong. "Manang, halaman lang puputulin ko, wala akong papatayin. Okay?" Wika niya rito at doon lamang nakahinga ng maluwang ang nerbyosang matanda. "Sus Ginoo. Salamat naman po." Mahina nitong dasal nang makalayo na ang Ginang at napahawak na lamang sa dibdib na halos sumabog na sa nerbyos. Naiinis ngunit natatawang lumabas ng bahay ang Ginang dahil sa reaksyon ni Manang Sol. Takang sinisilip naman siya ng kanyang Mister sa likod ng mataas na halaman at nakitang may dala itong kutsilyo. Awtomatikong kumunot ang kanyang noo nang makita ito at sinundan na lamang ito ng tingin hanggang makabalik sa lugar kung nasaan ang mga halamang inaayos niya mula pa kanina ngunit dumiretso ito sa paglalakad at huminto sa isang mataas na halaman. Sa pagkakatanda niya ay isa iyong fortune plant, mahahaba ang mga dahon na parang niyog ang sanga na diretso lang nang tubo. Pinagmamasdan niya ito na para bang iniisip kung paano ang pagpuputol ng sanga na gagawin niya. Ang mister niya ang taga bawas ng mga sanga ng mga halaman sa kanilang hardin at ngayon na takot itong lumapit ay walang ibang gagawa kundi siya ngunit naramdaman niya ang pagkaluskos sa di kalayuan at naggagalawan ang mga sanga ng isang di gaano kataasang halaman na malalago ng mga dahon. Alam niyang may tao roon at anumang oras ay tiyak niyang kusa itong lalabas dahil may bahay ng langgam sa lugar na iyon. Tahimik na binilangan ng Ginang ito hanggang sa sukuan ang mga langgam na umaatake sa kanya at hindi pa siya nakakaabot sa lima'y kitang-kita niya ang pagtalon ng kanyang mister palabas sa lugar. Panay ng pagpag niya ng binti at inaalis ng mga langgam na nakaakyat sa t-shirt niyang suot. Awang-awa ang Ginang sa kanya ngunit natatawa. Namumula na ang braso nito dahil sa mga kagat at may ilan rin sa mukha nito. Kahit nagpapagpag na'y marami pa rin sa damit nito, kaya naman para tulungan siya'y kinuha ni Ginang Damian ang hose at itinutok sa kanya. Gulat man ngunit naginhawaan. "Salamat mahal." Nakangiting usal nito matapos maalis ang mga langgam sa katawan niya ngunit mga langgam na nasa labas lang pala, dahil biglang may nangagat sa bandang p***t niya. Nasaktan na ngunit nakangiti pa rin ang Ginoo dahil nakita niya kung gaano natatawa ang kanyang misis habang pinapanood siya. Halos masira ang mukha niya nang maramdaman ang pinong kagat ng langgam ka kanyang puwetan at kumikirot ang iba pang kinagat na umalsa na't naging mga pantal. Kailangan lang pala papakin siya ng langgam para pansinin siya muli nito at dahil sa mga langgam ay nagkausap na sila ng maayos. Sinabi niya sa mister ang napagusapan nilang gagawing plano sa tulong ng kanyang matalik na kaibigan at kapatid ng kanyang asawa, bagay na sinang-ayunan nito ng mabilis dahil alam niyang iyon nang ikasasaya ng kanyang misis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD