Kabanata 7

2113 Words
Pretzel's POV Natapos na rin ang isang linggong tambak na trabaho. Nagawan din ng paraan ang isang libong puting mga rosas, may upgrade nga lang. Personal kong pinuntahan ang mga ikakasal dahil hindi ko matawagan ang numerong bigay ni bakla matapos namin magkasagutan noong isang gabi. Dahil na rin mukhang iniiwas niya ako'y ako na ang nag-adjust. Nakakahiya naman kasi sa kanya. Tumawag ako sa opisina niya at sekretarya niya lang ang sumagot, pinilit ko siyang ibigay sa'kin ang address ng mga ikakasal dahil nasabi niyang doon daw pumunta ang boss niya. Kung hindi ko pa siya tinakot ay hindi niya ibibigay. Sinabi ko na dala ko ang sagot sa problema at kapag hindi niya ibibigay ang address ay tiyak na siya ang pagdidiskitahan ng amo niyang maaway. Ayon, mukha namang natakot. Siguro'y naranasan na niyang aawayin din ng baklang iyon. Nagdadasal ako habang nagmamaneho papunta sa bahay ng mga ikakasal at halos tawagin ko na ang lahat ng pangalan ng mga santo na kilala ko para lang humingi ng tulong. Dala ko lang ang ilang mga piraso ng rosal upang ipakita sa kanila. Bulalak na kasingwangis ng rosas ngunit ang halimuyak ay gaya ng sa sampaguita. Napakalaki ng bahay, halos hindi ako papasukin. Buti na lang at lumabas ang bakla para magyosi at nakita niya ako. Gulat na gulat pa nang makita kako roon. Nang sabihin ko naman kung bakit ay medyo nanahimik niya siya. Sinabihan pa ako na hindi papayag ang mga iyon at nandidiri pa niyang hinawakan ang isang piraso ng bulaklak. Ang baho aniya, noong una'y akala niya pabango ko iyon at gusto niya akong tabuyin dahil masakit daw sa ilong. Sa lakas ng boses niya, nadinig siya ng mga tao sa labas at inalam kung anong nangyayari. Agad ko silang binati at maayos na ring nagpakilala. Muntik pa ang matalisod dahil hinarang ng imbyernang bakla nang isang paa niya sa daraanan ko. Hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang biglang manguha ang bride-to-be ng isa pirasong bulaklak sa basket na dala ko't nakapikit ang mga matang inamoy ito. Ngumiti siya ngunit may bahid ng luha sa magkabilang gilid ng kanyang mga mata. Bigla raw niya naalala ang kanyang mahal na lola. Marami raw itong tanim na rosal sa bakuran nila dahil iyon raw ang paborito nitong bulaklak noong nabubuhay pa at matagal na raw na panahon simula ng makakita't makaamoy siyang muli niyon. Iyon daw ang lolang nagalaga sa kanya, sa poder ng kanyang lola raw siya iniwan ng mga magulang simula noong magdesisyon silang maghiwalay. Habang nagkukwento'y tumutulo ang kanyang luha. Ang kanyang nobyo naman'y mahigpit ang hawak sa kanyang kamay upang iparamdam na naroon lamang siya sa kanyang tabi. Niyakap siya nito matapos niyang magkwento at hinayaan humagulgol sandali sa kanyang mga bisig habang hinahaplos ang likod. Kitang-kita ko ang inggit sa mga mata ni bakla. Mukhang may lihim pang pagtingin sa groom dahil napakagwapo naman kasi nito't halatang alagang-alaga ang katawan. Bukod pa sa mayaman, kaya lang malas niya. Mukhang head over heels ang mga ikakasal sa isa't-isa. Halata kung gaano nila kamahal ang isa't-isa ngunit hindi iyon ang pinunta ko doon. Hinintay ko hanggang matapos siyang umiyak. Pinunasan na niya ang mga luha sa mga mata ngunit hindi ko inaasahan na ang lalaki ang unang magsasalita't magbibigay ng pasya. Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan nang sabihin nitong rosal na ang ipalit sa mga puting mga rosas dahil gusto niya raw maramdaman na kanyang mapapangasawa ang presensiya ng mahal nitong lola sa araw ng kanilang kasal, na kahit sa pamamagitan na lamang ng mga bulaklak at halimuyak nito parang naroon na ito't sinasaksihan ang kasal ng kanyang apo. Inis akong inirapan ni bakla matapos sabihin iyon ng lalaki. Nginisian ko na lang ito dahil hindi siya nagwagi sa planong ireklamo ang negosyo ko. Salamat kay lola ni bride-to-be at sa rosal na paboritong halaman nito at bilang regalo'y nagpadala ako mg dalawang paso ng buhay at malusog na halamang rosal, bagay na sobrang ikinatuwa ng bride. Pagkatapos ng kasal ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanila. Ibinalita niya pa sa akin na natuwa rin ang mga dumalo sa simbahan at sa venue dahil sa bango ng paligid. Kahit ako kapag ikakasal baka mas piliin ko pang bulaklak ay rosal o kaya naman Sampaguita at Kamia, medyo magical kasi para sa'kin bukod sa natural na amoy nila, napakaputi rin ng kulay. Napakalinis sa tignan. Kung sa iba parang patay ang effect pwes sa'kin ay ayos lang iyon. Iba na ang lokal at patangkilik sa sariling atin. Saka ano namang marereklmo ng mga dadalo sa kasal? Sila na nga inimbitahan aarte pa sila. Saka isa pa, hanggang panaginip lang naman 'yan. Hindi magkakatotoo. Haha. Kasal? Naku! Knock on woods. "Anak?!" Ay! Knock on woods!! Nagulatang ako sa malakas na kalabog sa pinto at ang pagtawag ni Mama. Nawala sa isip kong may pupuntahan pala kami ngayon. Buti na lang nakaligo na ako. "Pretzel!?" Muli nitong tawag nang di ako sumagot. Tinakbo ko ang pinto't pinagbuksan siya. Gulat ang unang rumehistro sa mukha nito nang makitang nakapambahay pa ako. Speaking of, hindi naman sila mukhang nag-away ni Papa. Okay naman sila noong umuwi ako, panay nga lang pantal ang balat niya dahil daw sa mga kagat ng langgam sa garden. Tinanong ko si Manang Sol kung ano ba talaga nangyari, wala naman itong alam. "Bakit hindi ka pa nagbibihis? Wala ka nanaman bang balak na sumama sa'min?" Galit na tanong nito habang nakapamewang, nakataas ang dalawang kilay at patango-tango na para bang sinasabing "Ano? Papalag ka bang bata ka?" Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa itsura niya'y malapit na niya akong masipa, hinihintay kong bulyawan niya ako ngunit wala akong narinig na kahit ano. Tinungo niya ang aparador at naghalungkat. Bawat matipuhan niya'y inihahagis niya sa may kama. Halos lahat mga bestida na may matitingkad na kulay. Hay! Ayaw kong isuot alinman doon. Sasama naman ako, nakalimutan ko lang talaga ang oras dahil nakaidlip ko pero kung ako ang tatanungin na batid kong hindi siya papayag, mas gusto ko sanang magpahinga ngayong araw. Nakakapagod ng linggong ito kaso nandito na Nanay ko, ginagawa nanaman akong baby kaso pinagkuha nga ako ng maisusuot mga bestida naman pa na above the knee. Birthday party ni Tita ang pupuntahan namin hindi naman debut. Inuman lang ang party iyon ng mga kaedad nila. "Mamili ka na dito at bilisan mo ng magbihis." Utos nito nang matapos. Lumabas na ito't sinara ang pinto. Nakakatakot, mukhang nagpipigil ng inis. Dahil hindi ko gusto ang isuot mga kinuha niya'y naghalungkat ako't mabilis na nagbihis. Maya-maya lang ay kumatok siyang muli at dahil hindi naman naka-lock ay agad niyang nabuksan. "Ang tagal mo naman anak." Reklamo nito at pumasok muli sa loob, bakas sa mukha niya ang pagkadismaya at napahampas na lang sa noo nang makita ang suot ko. Kita niya ang mga nagkalat na damit sa kamang gawa niya kanina na hindi nagbago dahil hindi ko naman ginalaw. Denim pants ang sinuot ko't pantaas na may mahabang sleeves ang kapareha. Medyo body fit, plain na black at may butas magkabilaang balikat. "Ano ba naman 'yang suot mo anak, itim pa talaga." Sita ng kanyang Mama. "Malamig po mamaya, okay na po ito." Palusot ko. "Malamig pero yang balikat mo may butas, papasok din lamig diyan." Kontra niya. "Hindi po papasok lamig diyan, lalagyan ko po ng shield." Maingat kong biro dahil nakakatakot bumingo. "Ay ewan ko saiyo. Bilisan mo na lang nang makaalis na tayo." Anito't agad kong dinampot ang suklay at muling sinuklay ang kong nakalugay sa harap ng salamin. Mukhang may kulang. Habang busy si pa si Mama sa pagdudutdot sa cellphone niya'y hinanap ko muna ang pinakasimple kong hikaw. Kaya lang wala ang pares sa loob jewelry box. Binuhos ko na ang laman ngunit wala talaga ang isa. Sinuot ko na lamang ang isa at tinakpan ng makapal kong buhok ang kabilang tenga. "Bilisan mo na anak." Ulit ni Mama habang nasa cellphone pa rin ang tingin at mabilis na nag ta-type. Biglang tumunog ang kanyang cellphone habang hawak pa rin. Umalis na siya para sagutin ngunit dinig ko pa rin ang boses ni Mama mula sa labas at ang boses na rin ng kausap niya dahil niloudspeaker niya ito. Ang tita Lisa ang tumawag at hinahanap na sila ni Papa. Hindi daw mag-uumpisa ang party hanggat wala pa raw ang lahat at mukhang kami na lang ang wala roon. "Oo papapunta na kami. Nagaayos lang si Pretzel." Malakas nitong sagot sa kausap na para bang sinasabing bilisan ko na. Kinuha ko na ang cellphone ko sa ibabaw ng side table at sinuksok sa bulsa. Palabas na akong nang masalubong ko sa pinto si Papa. "Sasabay ka ba sa'min anak o susunod ka na lang gamit kotse mo?" Tanong niya sa'kin. "Sasa--- "Ay Hon! Isabay na natin 'yan bago pa man magbago ang isip niyang batang iyan at hindi nanaman susulpot doon." Nakangising sabat ni mama sa likod ni papa matapos sumunod sa kanya. Hindi ko na natapos sasabihin ko. Sasabay naman talaga ako, para wala ng g**o. Saka mahirap na baka maglasing silang dalawa at walang magmamaneho sa kanila pauwi. Tiyak pa naman na maraming alak doon ngayon. Party girl ang Tita Lisa noong kabataan niya pa at mga pinsan niya, sila Papa ang madalas magkakasama noon at best friend ni Mama ang Tita Lisa. May idea na kayo kung paano sila nagkakilala? Pero hindi madalas si Mama sa mga galaan ayon sa kanya. Naging madalas lang noong nagkakilala sila ni Papa at ang Papa ko ang nagimpluwensya sa kanya. Hanggang sa naging sila na nga, kinasal at nabuo ako. "Anak?" "Anak?!" Sigaw ni Mama sabay ang paglanding ng palad niya sa braso ko. "Aray naman Mama eh!" Reklamo ko sabay atras dahil nakataas pa sa ere ang kamay niya. Kumikirot ang balat kong natamaan at mukhang bumakat ang kamay niya. "Tulala ka kasi kanina pa kita tinatawag." Aniya at binaba na ang nakataas na kamay. "Wala naman po akong narinig." "Naku bata ka! Itong boses kong 'to mahina pa sa'yo?!" Sigaw niya at akma nanaman papaluin ako. Bago pa man maglanding ang kamay niya sa braso o sa p***t ko ay tumakbo na ako palabas. "Sige takbo nang madapa ka." Wika niya at sinundan nang malakas na tawa. Pumunta na ako kung nasaan si Papa. Ang lakas ng tawa ni Mama, dinig namin sa labas ng bahay. Nakaisa kasi, mukhang pinagtripan ako. Parang may something sa kanya ngayon. "Nangyari doon?" Takang tanong ni Papa nang makarating ako kung nasaan siya, sinisiguro nitong di flat ang gulong namin. Tinuro ko ang braso ko at hinaplos ito. Dama ko pa rin ang hapdi ng pagkakahampas ni Mama. Akala ko maawa sa'kin ngunit pinagtawanan lang ako. Ewan sa dalawang ito. Mas isip bata pa sila sa akin pero kung sermonan nila ako parang wala ng bukas. Hay! Huwag na kayong magtaka kung bakit may topak ako. Alam niyo na kung kanino ako nagmana. Buti kung isa lang sa kanila, e dalawang may sayad ang genes na nagsama. "Act as a lady nga anak, act as your age marami pa namang tao roon, baka makakita ka na ng matitipuhan mo roon." Wika ni Mama pagdaan niya sa harap ko bago sumakay sa kotse. Napanganga na lang ako sa narinig, akala ko ako lang. Mas napanganga si Papa sa narinig niya at akma na siyang tatawa ngunit nang makita niya ang matalim na titig ni Mama sa kanya ay bigla siyang natameme. Oo na lang tayo. Ako pala isip bata. Pero teka, haha! Tatawa muna ako. *Silent mode laugh (hahahahahaha) "Tapos ka na ba anak?" Biglang tanong ni Papa sa akin at parang napapautot sa itsura ng mukha niya. Alam niyang ang ginagawa ko sa loob ng isip ko dahil siya ang nagturo sa'kin nun. Tumawa ng palihim at tahimik. Malalagot kasi kami kay Mama kapag pinagtawanan namin siya. Lumunok muna ako bago sumagot. Paano ba naman ang Nanay ko ay iba makatingin parang handa na akong ipakaladkad sa kabayo. Baka isipin niyo binubugbog ako ni Mama, hindi ah. Ganyan lang talaga siya, biro lang sa kanya ang panghahampas at pagbabanta niya. Ganyan lang kami kagulong tatlo sa bahay. Kung may nababaliw man sa amin sa loob ng bahay, iyon ay si Manang Sol. Matagal na naming siyang kasambahay at kilalang-kilala na niya kami. Sa'min na siya nagkaedad at hindi na siya iba sa'min. Malakas pa ito at maliksi, malakas din tumawa gaya ng Nanay ko. O siya, aalis na raw kami. Naiinip na ang Nanay ko. Excited magwalwal ngayong gabi. Haha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD