Kabanata 8

2472 Words
Pretzel's POV Nang malapit na kami sa bahay ng aking Tita Lisa ay nanlaki ang aking mga mata sa dami ng mga sasakyang nakaparada sa labas ng kanilang bahay. Napakarami ring tao sa labas at loob, may iba pang kararating lang kagaya namin at ang ilan ay paalis na. Pila-pila ang mga magagarang sasakyan sa labas na akala mo'y may concert ng superstar o sinong pulitiko na kasalukuyan pa lamang tatakbo sa eleksyon. Pagdating talaga sa dami ng mga kakilala ang Tita Lisa na panalo. Grabe mag-imbita ng mga bisita, mukhang buong village nila nandito at lahat ng mga kamag-anakan at kaibigan niya. Marami-rami siyang lalasingin ngayong gabi. Sa tingin ko'y isang buong swimming pool ang dami na alak na mauubos ngayon o baka higit pa. Ang gaganda rin ng mga suot nila kumpara sa simpleng suot ko pero wala namang problema doon dahil wala akong balak makisalamuha sa kanila. Gusto ko lang magpakita sa may birthday at ako'y magtatago na. Saulo ko yata ang kabuuang bahay nila at alam ko ang lugar na tahimik at tiyak na walang bisitang pupunta. Hindi naman ako umiinom, hanggang pulutan lang ako't baka maraming lumpiang Shanghai sa kusina't doon na lamang ako mamamapak. Dahil sa dami ng mga kotse sa labas ay lumagpas na kami sa bahay nila Tita kakahanap ng pwedeng maparadahan ng sasakyan. Umabot pa kami sa pangatlong kanto at mabuti na lang at may umalis na isa kaya nakapagpark kami sa inalisan niyang lugar.Dahil nga medyo malayo na'y kinailangan na naming maglakad pabalik sa kanila. Gabi naman na. Maliwanag ang lahat ng kalsada dahil sa mga ilaw sa poste. Malamig ang simoy ng hangin kahit buwan pa lang ng Nobyembre. Maliwanag din ang bilungang buwan at kitang-kita ko ang napakaraming bituin. Sinyales na walang ulan na darating at magiging maganda ang buong gabi. Bukas ang kanilang malaking gate at may mga apat na guwardiya sa labas na nagbabantay. Pinapasok naman kami kaagad nang kami'y makilala. Mga guwardiya sila ng mismong subdibisyon, naroon sila upang siguruhing walang manggugulo sa party. Sa tingin ko naman ay wala dahil mahihiyang maging tampulan ng usap-usapan kinabukasan. Karamihan pa naman sa mga bisita'y mayayaman at takot madungisan ang pangalan. Malayo pa lang ay dinig na dinig na ang ingay ng malalaking speakers. Palakas ng palakas habang papalapit kami ng papalapit kung nasaan nagaganap ang mismong party. Grabe ang crowd sa bakuran nila. Karamihan hindi ko kilala. May ilan-ilan na pamilyar pero kung di ko sila mga pinsan o ka-close ay kaya dinedma ko na lang sila. "Tita Pretzel!" Walang anu-ano'y nakadinig ako ng matinis na pagtawag sa aking pangalan. Sa tono'y parang sabay ang tumawag at sa tinis nito'y alam kong mga bata iyo. Hinanap ko kung sino ngunit sa dami ng tao at lakas ng tugtog ay nahirapan akong hanapin kung sino ang tumawag ng ngalan ko. Nang hindi ko makita'y inisip ko na lang na guni-guni ko iyon ngunit maya-maya lanv ay may kumalabit naman sa kaliwang kamay ko, sunod sa kanan at sa aking pagyuko'y bumungad ang dalawang cute na tiyanak sa harapan ko. Awtomatiko akong napangiti nang makita sila. Mga pamangkin kong sina Via at Ria. Kambal sila at parehong babae, limang taong gulang pa lang ngunit matatas na sa pagsasalita't bibong-bibo. Ang nakakatuwa pa'y kilala nila lahat ng mga tito't tita nila pati na rin mga pinsan. Ako nga di ko mamemorya mga pangalan nilang lahat sa sobrang dami pero ang dalawang 'to'y alam ang mga pangalan at pagmumukha ng lahat. Naalala ko lang itsura nila pero ang pangalan, D'yos ko huwag niyo na akong asahan d'yan. Sa laki ng pamilya sa side ng Mama at Papa ko'y hindi kakayanin ng utak kong ipasok lahat ng mga pangalan ng bawat isa sa kanila. Sabay nila akong binati't yumakap sa magkabila kong binti. Mga binti ko lang ang abot nila dahil pareho silang maliit. Tig-isa rin nilang kinuha ang kamay ko't nagmano. "Bless you both!" Wika ko nang lumapat na ang likod ng palad ko sa kanilang noo. Magagalang na mga bata. Yumuko ako para pumantay ang height namin at para na rin marinig nila ang nais kong sabihin dahil napakalakas ng tugtog at kakailanganing magsigawan para magkarinigan. Tinanong ko kung kumusta sila't kung nasaan ang kanilang Mommy at Daddy. Okay naman daw at nageenjoy sa party. Napakatinis ng pagsagot ni Ria at si Via nama'y nginitian ako ng pagkatamis-tamis at speaking of matamis, panay tsokolate ang mga ngipin nila. Lagot nanaman ang dalawang ito sa kanilang maingay na Ina. Nasaan kaya ang babaeng iyon? Pinabayaan ang mga anak na magpagala-gala sa gitna ng napakaraming mga tao. Baka nagtatago't tinakasan itong dalawang ito. "Nasaan pala ang mga magulang niyo?" Tanong ko ulit dahil hindi nila sinagot kanina. "We don't know po. Sabi nila diyan lang po sila sa tabi-tabi maglaro lang daw po kami." Magalang na sagot ni Ria. Sa kanilang dalawa siya ang madaldal at palatanong. Si Via ay tahimik lang at madalas nagmamasid. "We're going to play Tita. Wanna come?" Tanong ni Ria matapos masagot ang tanong ko. Hinagilap ko muna ang mga magulang ko na bigla na lamang nawala, kanina lang ay magkakasabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Baka nagdive na sa mga bote ng alak. Hindi ko pa nakikita ang Tita Mabel para batiin, sa dami ng mga tao ay mukhang mahihirapan ako pero dala naman na nila Mama ang regalo namin, baka nahanap na nila siya ngayon. At ako naman? Anong gagawin ko ngayon? Mabuti pa'y sumama na lang ako dito sa mga chikiting kesa makihalo sa mga taong naririto na hindi ko naman kilala karamihan. "Sige, saan ba kayo maglalaro?" Magiliw kong tanong. "Doon po sa playground. Madami pong kids doon. Masaya po." Excited na sabi ni Ria. Kitang-kita sa mga mata niya kung gaano siya ka-excited. Hinila na nila ako kung saan ang playground. Alam ko wala namang playground dito pero nang marating na namin ay nagulat ako sa lugar. Built-in playground lang iyon at mukhang sinadya lang lagyan para sa araw na ito. Nakita ko ang ibang mga pinsan ko na inaalalayan ang mga anak nilang naglalaro at nang makita nila ako'y halos sabay-sabay silang kumaway na parang may kandidatong paparating kung makakaway ang mga aning. "Para kayong mga baliw. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao dahil sainyo." Nahihiya kong komento nang malapitan sila. Pinagtitinginan talaga nila ako, ramdam kong nag-iinit ang magkabila kong tenga at nagtawanan lang ang mga timang. "Check mo baka may Oppa sa paligid Inday." Bulong ng pinsang kong si Marisse. Karga ang dalawang taong gulang na anak na mukha ng inaantok sa kanyang bisig. "I'm not interested." Mataray kong sagot. Mag-uumpisa nanaman ang babaeng ito na asarin ako. Nagtawanan sila at nagpalinga-linga sa paligid na animo'y naghahanap talaga at nagbabakasaling may makitang hot na lalaki sa paligid na akala mo'y mga walang asawa't ready to fight anytime..Mga loka-loka. Maisumbong nga ang mga ito mamaya. "Naku! Tatanda ka talagang dalaga." Ani Marisse at umupo sa bakanteng upuan sa malapit. Nangawit na kakabuhat ng anak niyang nakapikit na ng mga mata. Paano ba naman, kalusog-lusog ng anak at napakakas raw dumede. Iniwan na ako ng kambal at nagpaalamang makipaglaro na sila sa mga batang naroon. Napakaraming bata, hindi ko maiwasang hindi magtanong sa sarili kung kninong mga anak ang mga naroon. Sangkatutak sila na parang mga langgam sa rami. Ang bibilis nilang kumilos at magtatatakbo. Nakakahilo. Panoorin pa lang ay napapagod na ako. "Hoy Pritz?! Natulala ka diyan? Daming bata nu? Iniisip mo na ba magkaroon ng sarili mo chikiting?" Pangiistorbo ng isa ko pang pinsan na si Alice na hinabol ang anak na lalaki kanina. "Hindi. Tinitignan ko lang kung gaano sila kakukulit at ingay. Ang sakit sa ulo." Sagot ko't umaktong sumasakit ang ulo. "Sira, ehersisyo rin kaya maghabol sa anak mo. Masaya ka na nakapag- exercise ka pa." Pagtatama niya. "Ha? E yang eyebags mo kasama rin ba? At yang malaki mong tiyan? 'Yan ba bonus?" Balik ko sa kanya. Napatahimik naman ito't tinignan ang sarili. Kinapa niya pa mukha't tiyan na para bang matagal na panahon na nang huli siyang nanalamin. "Ang sama mo. Matutunaw din tong tiyang 'to. Hintayin mo!" Bulyaw niya sa'kin at nagtawanan ang iba naming mga pinsan na naroon na akala mo e walang mga malalaking eyebags at malalaking tiyan na gaya ng kay Alice. Tinago lang nila mga eyebags nila gamit ang concealer at makapal na foundation. "Ang dami mong dalang bala ngayon ha!" Sita ni Marisse at pinagtawanan ang kapatid niyang si Alice na iniwan na kami dahil nagtatatakbo nanaman palayo ang anak niya papunta sa slide at kailangan niyang habulin. Naghanda talaga ako kasi alam kong ako kakawawain nila ngayong gabi. Wala ang mga pinsan naming mga lalaki, di ko pa nakikita. Baka nandoon sila sa kumpulan ng mga nag-iinuman. "Insan!" Dinig kong tawag ng lalaki. Di ko nilingon, malay ko ba kung sino ang tinatawag andami kaya naming nandoon. Panay ang nguso ni Marisse sa'kin at parang may tinuturo. "Ano?" Tanong ko at may nginunguso siya mula sa likod ko, lilingunin ko na nasa ngunit naramdaman ko ang mabigat na braso na umakbay sa'kin. "Insan! Hinahanap ka nila Tita at Tito. Kanina pa ako paikot-ikot, nandito ka lang pala. Grabe ka!" Malakas at naiinis niyang sabi nang hinihingal. "Bakit raw?" Tanong ko at inalis ang mabigat niya braso sa balikat ko. "Ewan ko! Pinahanap ka lang e. Tara na ng malaman ko rin." Nagagalak nitong tugon. Siraulo talaga. Pero parang may something sa kanila. Napansin ko ang pasimpleng pagnguso at pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Marisse nang mahuli ko. Akala mo'y s**o sa haba ng nguso. Sumama na ako kay Jake bago ibilin ang kambal dahil walang nagtitingin sa dalawa at nang makita ko ang Nanay at Tatay ko'y alam ko agad na nakainom na ang dalawa. Maingay na kasi. May pinakilala lang na mga amiga ang mama ko sa'kin, kakailanganin daw kasi nila ng mga bulalak sa darating na buwan para sa okasyon sa bahay nila. Wala akong dalawang calling card kaya personal na numero ko na lang nang binigay ko. Pinaupo ako ni Mama sa tabi niya't sinabihang huwag munang aalis. Ilang minuto na ang lumipas , mahapdi na loob ng ilong ko dahil sa usok ng sigarilyo. Di rin ako makarelate sa kwentuhan nila at dahil busy naman sila kani-kanilang mga kausap ay tinakasan ko na sila. Bumalik ako sa playground at si Alice na lang ang pinsan kong naiwan. Umalis na ang karamihan, magpapatulog na raw sila ng mga anak at itong si Alice, gising na gising pa anak niya at panay pa rin ang takbo kung saan-saan. "Hindi ka ba napapagod?" Walang anu-anong tanong ko. Habulan kasi sila at inaalalayan niya ang anak saan man ito aakyat at pupunta. "Hindi naman, sanay na ako siguro. Pangatlo na itong si Kenneth kaya. Saka mabuti ang ganito, inaalalayan mo ang bata na mag-explore." Sagot niya ng nakangiti. Sabagay, 'yan di sabi ni Mama sa'kin. Lahat na yata ng tips ang tricks about parenthood mula sa kanya e saulo ko na dahil sa dalas niyang sabihin sa'kin. "Mag-asawa ka na kasi at bilisan niyo ng magkababy." Payo niya sa'kin. "Ayaw ko pa. Bata pa ako saka, basta... saka na. Wala pa sa isip ko." Mabilis kong sagot. "Tumatakbo ang oras Pretzel, huwag mong sayangin ang genes. Naku, subukan mo kayang makipagblind date?" Namimilog pa ang mga matang binulalas niya ang ideyang ito. "Ayaw ko niyan, delikado." "Edi yung mga kilala ng mga kakilala mo, para safe ka. Matatakot gumawa ng masama iyon dahil kilala siya ng malapit saiyo." Pilit niya. "Ayaw ko pa rin." Sagot ko ng walang kainteres-interes sa mga sinasabi niya. "Ai ewan ba lang insan." Aniya. Hindi siya kusang huminto, kinailangan niya kasing habulin nanaman ang anak niya. Nagpaalam na rin ito dahil dadalhin niya na raw sa kwarto ang bata para bihisan dahil pawis na pawis na at naiwan na ako mag-isa. Maingay pa rin ang paligid. May ilan pang batang naroon at naglalaro. Pinapanood ko lang sila at napaisip na lang sa mga sinabi ni Alice kanina pero muntik ko ng masampal ang sarili ko dahil muntik na niya akong mapasang-ayon sa suhestyon niya kanina. Ewan b-- "Hi! Can I sit here?" Naputol ang pagmununi-muni ko nang marinig ng maliit na boses na iyon. May lumitaw na duwende sa harap ko, ay este batang babae. May hawak itong lollipop at nang matapos magtanong ay muli niyang binalik sa loob ng maliit na bibig ang kendi. "Sure, I won't mind." Sagot ko't naupo na nga ito sa tabi ko. Nakasuot ito ng puting bestida na lagpas tuhod, may medyas na mahaba na kulay puti at nakasandalyas na puti. Nakalugay ang buhok nitong kulot ang bawat dulo at may headband na may disenyong tenga ng pusa. Ang cute lang ng duwende. "Are you alone?" Tanong ko sa bata dahil mukhang iniwan ito ng mga magulang niya doon para makipagparty rin kagaya ng ibang mga batang naroon. Muli niyang inalis sa bibig ang lollipop at sinagot ang tanong ko. "No, ma-Mom went inside the house to call Dad. We-we are going home now, she just left me here cause there are people inside smoking." Malambing niyang sagot na nauutal-utal. Medyo bulol pa ang bata at tingin ko'y apat na taon gulang pa lamang ito. Nanahimik na ako dahil busy na ito sa lollipop na kinakain niya. Maya-maya lang ay may dumating na lalaki at nilapit ang bata't tinawag na ngunit bago pa man sila makaalis ay nagsalita ang lalaki at mukhang nagulat nang makita kung sino ang kasama ng anak niya. Di naman ako mukhang kidnapper ano. "Hey! Ikaw yung sa flowershop diba?" Tanong nito sa'kin na halatang nabigla base sa kanyang ekspresyon. Nakakunot noong tinignan ko naman siya't napaisip sa tanong niyang iyon. Panandaliang nablanko ang utak ko. Sa dami ng naging customers namin, hindi ko tiyak kung nakita ko na ba siya o hindi. "Hon! Come here!" Tawag ng lalaki sa babaeng nakatayo sa di kalayuan. "Bakit?" Tanong nito sa tumawag sakanya. "Siya 'yung sa flowershop, kung saan natin nabili yung mga sunflowers para sa birthday ni Lola." Anito sa asawa. Mukha naman itong nagulat nang may maalala at nanlaki ang matang tinignan ako't bigla niya na lamang akong niyakap. Umupo siya sa tabi ko't nagpakilala. Nang marinig ko ang buong kwento't maalala ang madaldal na kustomer noong nakaraang araw, doon ko lang napagtanto kung sino sila mag-asawa. Nasa parehong subdivision sila nila Tita Lisa. Panay daldal ng babae ngunit isang imahe ng mukha ng lalaki ang bigla na lamang sumagi sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD