Pretzel's POV Ilang minuto na lang ay lalapag na ang eroplano. Tanaw ko ang mga bahay, di mabilang na mga puno at matataas na building mula sa himpapawid ng Aklan. Oo, sa Aklan ako ngayon. Ito kasi ang unang lugar na pumasok sa isip ko na hindi ko pa napupuntahan. Lumapag na nga ang eroplano, matapos kong makuha ang maleta ko at lumabas na ako ng airport. Naghanap ng masasakyang bus para makating sa isang port at mula roon ay dadalhin na ako sa Isla ng Boracay. Dahil mag-isa at wala namang kong kasama, mabilis akong nakahanap ng masasakyan di gaya ng iba na napakarami at gusto nila sabay-sabay sa isang motor boat. Matagal-tagal rin ang biyahe ngunit hindi ramdam dahil sa napakagandang paligid. Asul na asul ang tubig at malinis, dahil sa linaw ay kitang-kita ang napakadaming mga isda