"Miss Damian." Tawag ng chief of police sa kanyang atensiyon. Inaabot nito sa kanya ang telepono habang siya naman ay para bang nag-aalinlangan pa kung kukunin ba ito o hindi. "Ma'am?" Kalabit ng pulis na nakatayo sa kanyang tabi. Tinuro pa nito ang telepono sa kanya na para bang hindi alam ang nangyayari nang mga oras na iyon. Nakatulala lang kasi ito at nakatingin sa inaabot ng chief sa kanya. Dahil batid naman niyang wala na siyang ibang pagpipilian, kinuha niya na lamang ang teleponong may kordon at dinikit sa kanyang tenga. Hindi pa siya nagsalita, pinakinggan niya muna ang ingay mula sa kabilang linya. Dinig na dinig kasi ang mga boses nila at hindi man sila magpakilala ay alam na niya kung sino ang mga ito. "Hello." Mahinang usal niya. Mas tumindi ang ingay mula sa kabila at na