Nagising si Pretzel wala na sa kanyang hinihigaan si Felix. Tahimik ang paligid at tanging hampas ng alon mula sa dalampasigan di kalayuang ang kanyang naririnig. Napangiti siya nang maalalang uuwi na ito ng Maynila at papalit sa kanya upang makasama niya ay si Felicity. Maliksi siyang nagtungo ng banyo upang maghilamos. Pagbukas niya ng pinto, ang una niyang nakita ay ang asul na tuwalya na ginagamit ni Felix. "Eww!" Nasambit niya matapos maalala na iyon rin ang tanging tapis nito nang makita niyang wala itong suot na damit kahapon. Winaksi niya na lamang sa isip at ginawa na ang dapat gawin. Nagpalit na rin siya ng damit at inayos ang hinigaan bago lumabas ng bahay at nagtungo sa sa tahanan ng kanyang mahal na nanay-nanayan. "Good morning Tay!" Masigla niyang bati sa matandang lala