Matapos ang tawag na iyon kay Felix ay halos buong hapon nang may kausap siya sa kanyang cellphone. Medyo natuwa pa si Pretzel dahil hindi siya nito kinukulit ngunit pansin niya sa mukha ng binata ang labis na pagkairita sa tuwing babalik sa loob ng bahay matatapos ang tawag at hindi rin ito mapakali. Panay ang buntong-hininga at ilang beses din napansin ni Pretzel na tulala ito at para bang nag-iisip ng malalim. Sunod-sunod ang mga tawag sa kanya, labas-pasok siya sa bahay at tatayo, uupo maya't maya at pare-pareho ang reaksyon, iritable at para bang may isang malaking problema na bilang sumulpot sa Maynila. Hindi naman masabi ni Pretzel kung isang tao lang iyong nakakausap niya o iba-iba, gusto niyang usisain kaso baka sabihin pa sa kanya pakielamera. Naisipan na lang niyang tawagan