Araw na ng Sabado, late na nang makarating si Pretzel sa tindahan dahil tinanghali na siya ng gising. Hindi siya natulog buong gabi dahil naririnig niyang umuubo ang kanyang ama mula sa kabilang kwarto. Hindi dahil sa umaarte pa rin ito. Nagkataon kasing may dry cough ito't makati ang kanyang lamunan mula pa kahapon. Nagmistulan tuloy na naging makatotohanan ang pag-arte niyang may sakit. Sabi pa nito sa asawa ay mukhang ginagabayan sila ng nasa itaas dahil binigyan siya nito ng ubo upang makatulong sa kanilang pagpapanggap. Ikinatuwa pa nilang dalawa samantalang ang kanilang anak ay labis ang lungkot at pagkabahala na nadarama sa mga nangyayari. Magdamag niyang pinakikiramdaman ang gabi, ang bawat ubo ng ama ay malinaw niyang nadidinig mula sa kanyang silid. Natatakot siya na baka bilang