Dahil sa haba ng tulog ni Pretzel maghapon ay halos hindi na siya dalawin ng antok nang gabi. Madaling araw na at dilat na dilat pa rin ang mga mata at gising na gising ang diwa't kung anu-anong mga bagay na lamang ang pumapasok sa kanyang isip, dala na marahil ng gutom dahil sa kumukulong tiyan at nagaantay na malagyan. Naisip niyang bumaba upang kumain ngunit para bang ayaw niya ng anumang pagkain na niluto sa bahay nila. Nawalan siya bigla ng tiwala sa mga taong nasa loob ng bahay na iyon at para bang ang laki niyang tanga. May napapansin siya noong mga bagay na kaduda-duda ngunit hindi niya pinansin dahil sa labas na tiwala at pagmamahal sa kanila, iyon pala ay kaya nila siyang lokohin ng ganoon kadali para lang mag-asawa na siya. Ano ba kung tatanda siyang mag-isa, aniya sa isip. Hi