Kabanata 48

1940 Words

Felix's POV Nagising akong wala na siya sa tabi ko. Wala na rin ang mga gamit niya sa kanyang paglaho at ang tanging naiwan na lamang ay ang ilang patak ng natuyong pulang na mantsa ng gabing nagdaan. Ang galing lang, nag-upgrade na ako. Mula sa torpe papuntang gago. Hindi ko dapat ginawa iyon. Hindi ko dapat hinayaan na malunod sa labis na emosyon kagabi. Isa pa ay lasing siya't mukhang hindi alam ng ginagawa, nagmukha tuloy na pinagsamantalahan ko siya. Pangalawa, alam niyang ako si Felicity, ang kaibigan niya, isang bakla at hindi ang ako na si Felix na isang lalaki na matagal na siyang tinatanaw mula sa malayo. Kung pwede lang suntukin nang sarili, baka nagawa ko na. Naiinis ako sa sarili ko at hindi man lang kami nagkausap tungkol sa naganap. Umalis ako sa motel na iyon mag-isa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD