Nahihilo at sobrang sakit ng buong katawan ni Pretzel nang magising siya sa kalagitnaan ng gabi. Pilit niyang binuksan ang matang halos hindi niya maimulat dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa lampshide na nasa kanya lamang tabi. Tinakpan niya ng kanyang isang kamay ang mga mata hanggang sa makapag-adjust na ito sa liwanag. Ihing-ihi na siya nang mga oras na iyon at suwerte namang ang una niyang nakitang bukas na pinto ay isang banyo at tanaw niya pa mula sa hinihigaan ang inidoro. Dahan-dahan siyang tumayo dahil sa p*******t ng kalamnan, higit ang ibabang parte sa pagitan ng kanyang mga hita na hindi niya alam kung nahulog ba siya kung saan kagabi o nadulas sa hagdan. "May UTI na yata ako?" Pabulong niya tanong habang pikit ang mga matang naglakad diretso sa bukas na pinto ng banyo