Panibago nanamang araw na wala ang kanyang mga magulang sa bahay nila. Malapit nang mag-isang linggo mula nang maconfine ang papa niya sa ospital at tanging pagsilip sa ama tuwing gabi bago umuwi ang daan para makita niya ito. Gusto niyang magbantay at pauwiin muna ang kanyang Mama para makapagpahinga ng maayos ngunit ayaw nito. Mas hindi daw siya makakatulog kung nasa bahay at malayo sa asawa. Hinayaan na lamang ni Pretzel ang gusto nito. Si Manang Sol ay madalas makapunta sa ospital, para magdala ng niluto niyang pagkain, ngunit siya ay halos isang beses lang at tuwing gabi lamang. Masaya na siya masiguro lang na naroon ang ama at kapiling pa nila. Kampante naman siya dahil may koneksyon sila sa ospital na iyon at tiyak na maalagaan ng tama ang kanyang ama. "Gusto mo pa anak?" Tanong