Bakas ang labis na pagtataka sa mukha ni Felicity paglabas niya mula sa kanyang sasakyan. "Teka?" Walang anu-anong tanong niya habang tulalang nakaturo sa direksyon kung saan niya nakita ang pamilyar na sasakyan kanina. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid at sinubukang hanapin, nagbabakasaling lumipat lang sa ibang lugar ngunit wala ito, naglaho na parang bula. Pamilyar ang sasakyan kay Felicity kaya hindi nakaligtas sa mata niya, may family car silang kasing kulay at kapareho rin ng modelo ng kotseng nakita niya kani-kanina lang sa kabilang side ng kalsada, isang Montero Sports 2020 edition na kulay puti, hindi niya nga lang napansin ang numero ng plaka kaya hindi siya tiyak kung iyon nga ang sasakyan na madalas gamit ng kanyang ina. Pumarada lang siya sandali at paglabas niya ng sasak