Taimtim na humiling si Pretzel sa harap ng mga nakasinding kandila. Nakapikit ang mga matang inusal ang hiling nais niyang matupad para sa amang may malubhang karamdaman, nanghingi na rin siya ng gabay mula sa itaas at nang matapos ay saka lamang niya idinilat ang mga mata at nilingon ang katabi. Nakapikit ito at nakadaop ang mga palad. Bigla siyang na-curious sa hinihiling nito at mukhang marami dahil hindi pa ito tapos. Sama kaya sa mga hiling niya nang magkalove life? O kaya maging tunay na siyang lalaki? Natawa sa mga naiisip si Pretzel, hinintay niya na lang itong matapos at hindi muna ginambala dahil maaari naman niya itong matanong mamaya. Natuon ang atensyon ni Pretzel sa mga nagkakakihang mga santo sa paligid. Ang pinakamalaki sa lahat ay ang imahe ng birhen Maria na nasa kanan