Pretzel's POV "Ready ka na ba?" Tanong ni Felicity mula sa kabilang linya. Tumawag lang ito para itanong 'yan. "Yes, I think?" Nagdadawang-isip kong tugon. Kinakabahan kasi ako kahit pa mukhang handang-handa na upang rumampa sa pupuntahan namin. Parang gusto ko na nga magbackout dahil ilang na ilang ako sa suot kong damit. On the way na siya at ako naman nakaupo pa rin sa harap ng salamin at minamasdan ang aking sarili. Parang hindi ako ang taong kaharap ko, parang ibang tao dahil sa make-up at damit na hindi ko naman noon sinusuot. Nakita na ni Manang Sol ang ayos ko't sinabi niyang napakaganda't sexy ko raw. Pakiramdam ko'y hindi mga papuri iyon dahil mas lalo akong nahiya matapos marinig sa kanya. Mukhang dadalo ako sa grammy's sa ayos ko. Simple lang naman ang make-up, hindi kinap