Pretzel's POV Tapos na ang party at kasalukuyan na kaming pauwi ni Felicity. Pagod, inaantok at masakit na ang mga paa ko. Hinubad ko na nga ang suot kong high heels pagpasok ko palang sa kotse dahil hindi ko na talaga kaya. May paltos na ang magkabilang paa ko at alam kong nagsugat na rin ito kahit hindi ko tignan, mahapdi kasi kanina pa at naginhawahan lang nang hubarin ko na ang sapatos. Ang kasama ko naman ay tahimik lang na nagmamaneho. Seryosong nakatingin sa daan sa buong byahe. Walang sinuman ang nagsasalita sa'min ngunit kahit wala itong sabihin ay alam kung kagaya ko'y dismayado rin ito sa nakita namin kanina. May mga tanong sa isip ko na gusto kong hingan siya ng opinyon ngunit dahil hindi naman ito lalaki kagaya ni Timur ay mukhang makaka-offend lang ako kapag tinanong ko si