"Ma'am telepono po, nagtatanong ng sunflowers. Marami raw pong kailangan, konti na lang po available natin." Pukaw ng assistant ko at inabot ang Wireless na telepono sa'kin para ako na ang makipagdeal.
"Okay." At kinuha ito.
"Hello! Good morning po!" Masaya kong bati sa nasa kabilang linya.
"Um hello, good morning too!" Sagot naman ng tumatawag.
"How can I help you ma'am? Sunflowers daw po ang hanap ninyo?" Magalang kong tanong.
"Yes, para sa birthday ng aming mahal na Lola." Sagot niya at sa di ko inaasahan ay nag-umpisa siyang magkwento.
Nalaman kong sekreto ang kanilang paghahanda. Bukas na raw ang okasyon at nagkataon namang nahirapan silang maghanap ng Sunflowers na paborito ng kanilang lola. 95 na raw ito at hindi na makalakad ng walang walker o alalay. Mahina lang daw ang tuhod ngunit matalas pa memorya.
Nakakatuwa ang mga kuwento niya.
Mukha itong masayahin at mabait ang base sa tono ng boses nito. Madaldal nga lang at hindi ako makasingit. Alam kong may mga sunflowers pa kami na fresh kaso hindi na aabot ng dalawampu.
"Ah ma'am."
Di yata ako nadinig. Panay pa rin ang daldal nito. Pati buong plano nila sinasabi niya sa'kin. Nang madinig ko ang pagbuwelo nito para huminga ay siningit ko na ang tanong ko.
"Ilan po ba ang kailangan ninyo?"
"Kailangan namin ng marami. Balak ko kasi punuin ang paligid para magmukhang indoor garden. Medyo maulan na kasi ngayon, baka biglang bumuhos ang ulan t mabasa ang mga bisita, nakakahiya naman." Walang preno niyang sagot.
Naku. Kulang nga.
"Kulang po ang available na Sunflowers namin ngayon Ma'am, seventeen pieces na lang po ang available. Matatagalan pa po ang sunod na delivery." Sagot ko matapos makumpira ang eksaktong bilang ng meron kami sa assistant kong nasa tabi lang at naghihintay ng order mula sa'kin.
"Paano ba 'yan? Limang flowershop na ang napagtanungan namin. Wala available, kayo lang meron pero kulang naman. Nakakalungkot" Sagot ng babae, bakas ang panlulumo sa tono ng boses nito.
"Pasensiya na po. Pero kung okay lang po sainyo, pwede naman po samahan ng artificial. Mukha rin naman pong tunay iyon. Maaari niyo pa pong maitabi at magamit sa susunod po. Meron po kaming Giant sunflowers na may iba't-ibang kulay. Pwede niyo pong makita sa page po namin." Suhistyon ko.
"Hmm... anong pangalan ng page niyo?Check ko muna." Tanong nito at binigay ko naman ang pangalan na pareho lang sa flowershop.
"Mama's Choice Flowershop"
Hindi halatang mama's girl ano? Pero si Papa nagpangalan niyan hindi ako.
"Nakita ko na! Sige kukuha ako ng 50pcs orange saka 50 na red na artificial tapos yung fresh niyo na available ngayon kukunin ko na rin." Aniya at agad ko naman sinulat para maiready na.
"Sige po ma'am. Pick-up po ba o ipapadeliver?" Tanong ko.
"Hmm... sandali, baka ipakuha ko na lang siguro sa asawa ko. Kunin ko na lang address niyo. Saka isa pa pala, kung pwede pakibalot ang mga flowers in a way na di mahahalata. Pakilagay sa box or anything na macover lahat at hindi masisilip ni lola. Magbabayad na lang kami ng extra. Usisera kasi 'yun kapag may dumadating agad magtatanong. Baka mahalata na may something kaming nireready, mabuking at masira ang surprise party." Hiling niya.
"Okay po ma'am, wala naman pong problema iyon." Agad kong sagot.
Wala naman kasing kaso sa amin ang mga simpleng request ng mga kustomer.
"Salamat." Tuwang-tuwa siya at kinuha na ang address ng flowershop. Mamayang hapon daw makukuha, baka medyo late na dahil dadaanan na lang ng asawa niya paglabas nito galing sa trabaho.
Nang nagpaalam na ito ay inend ang tawag ay agad kong pinasa sa assistant ko ang listahan. Sinabihan na rin ito kung paano ang gagawing pagbalot sa mga bulaklak.
Pwede na sa kahon ang mga artifial kaya lang medyo mahihirapan kami sa fresh flowers, baka madamage at malanta bigla. Sabi naman ng staff kong lalaki ay siya na bahala, ipapakita na lang niya mamaya kung paano niya aayusin.
Iniwan ko na sila para makapagumpisa.
Matapos ang kustomer na iyon ay may ilan pang orders kaming natanggap. May roon ring mga wedding organizers na suki na namin na tumawag. Nagorder ng mga bulalak na hiling sa kanila ng mga ikakasal at matagal-tagal pa naman kaya masasabihan ko kaagad ang mga suppliers at para malaman na rin kung makakapagprovide sila before the day ng mga events.
Matapos maisaayos ang lahat ay doon lang kami nakapananghalian at nang matapos ay balik nanaman sa trabaho. Ganyan ka busy sa shop ko. Mabuti na lang masisipag ang mga tauhan ko at mabilis sila makaintindi. Matagal na rin sila sa akin kaya kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. Parang pamilya na ang turingan namin. Apat lang naman kami roon. Ang assistant ko, ako at dalawang helper. Isa lang lalaki sa'min, siya na rin ang tagadeliver at tumutulong din siya sa pag-arrange ng mga bulaklak dahil lahat sila ay nakapagtraining.
Dumating ang hapon at natapos na nila ang pag-aayos ng mga sunflower. Nagustuhan ko naman ang pag-aayos nila at tiyak na di masisira ang mga fresh na bulalak.
"Very good." Puri ko sa kanilang dalawa.
Ngayon, hihintayin na lang namin ang kukuha ng mga iyon.
Pasado ala singko na pero wala pang dumarating. 5:30 kami nagsasara kaya okay lang naman. Pero kung lalagpas sila sana may tumawag man lang para maabisuhan kami at mahintay namin sila.
At iyon na nga. 5:22 may biglang tumawag. Assistant ko ang nakasagot. Pinaalam lang na on the way na daw ang mga kukuha at humingi ng paumanhin dahil sa paghihintay namin.
Kaya lang kung on the way na, hindi namin tiyak kung anong oras dadating ang kukuha. Pwede na kaming mag unti-unting magsara ng shop habang hinihintay sila. Pinababa ko na ang roll up sa labas at naiwan na lang ang pintong bukas. Unti-unti na rin dumidilim at bukas na ang mga ilaw sa mga poste.
Pasado ala sais at nandoon pa kaming apat naghihintay. Pinauna ko na silang umuwi dahil baka matatagalan pa ang mga kukuha ng mga sunflowers. Wala naman akong problema pauwi dahil may sasakyan naman ako at safe naman sa lugar dahil marami pang mga tindahan na hanggang gabi bukas.
6:23 na nang may humintong itim na montero sa harap ng shop. May kumatok salaming pinto na lalaki at pinagbuksan ko naman ito. Mukhang galing opisina dahil sa suot nito asul na long sleeves polo.
"Ako--
"Kayo---
Halos sabay naming sabi at napakamot na lang siya ng ulo.
"Kayo po kukuha ng mga Sunflowers?" Pagpapatuloy ko ng nais kong sabihin.
Tumango na lan siya at tinuro ang mga kahon na nasa may tabi lang.
"Ah sandali" aniya ay lumabas.
May lalaking bumaba sa kotse at sumunod sa kanya.
"Saan?" Masungit na tanong nito sa lalaking unang pumasok shop kanina. Mukhang pamilyar ang itsura nito. Nakasemi-formal attire at halata ang pagka-exhausted nito.
Tinuro niya rito kung nasaan ang mga kahon at pinagtulungan na nilang isakay ang kahon sa likod ng sasakyan. Apat na kahon lang naman iyon ngunit medyo malalaki. Di naman kabigatan dahil ang karamihan doon ay artifial flowers lang naman. Isa na lamang ang naiwan at ang lalaking masungit na ang kumuha dahil lumapit na ang kasama nito sa'kin para itanong kung magkano lahat ng babayaran nila.
Hindi na ako nagdagdag ng extra charges para sa pag-papack ng mga orders nila. Regalo ko na lang sa may birthday pero noong makita ko na mukhang mayaman ang kukuha ay napaisip tuloy ako.
Haha! Biro lang.
Umalis na sila matapos magbayad at nagpasalamat ngunit nagtataka lang ako dahil napansin ko ang masamang tingin ng lalaking pinababa ng naka-asul na long sleeves polo sa sasakyan kanina.
Bad trip yata pero bakit mukhang may issue siya sa'kin?
Hay naku! Makauwi na nga mukhang iyon naman ang una at huling pagkikita namin ng lalaking mukhang masungit na iyon.