*Mall
Wala pang gaanong tao nang makarating ako sa pinakamalapit na Mall sa aming lugar. Mangilan-ngilan lang ang mga nakaparadang mga sasakyan sa parking lot kaya naman mabilis akong nakahanap ng bakanteng lugar na pagpaparadahan ng aking maliit na sasakyan. Pinakamalapit sa pagitan ng dalawang parehong montero sports kaya lang nakakahiya namang pumagitna sa kanila.
Maliit na nga ang sasakyan ko, mas lalo pang manliliit dahil parehing latest model ang magkatabing sasakyan, magkaiba lang ng kulay kaya minabuti ko na lamang lumayo ng bahagya at nakahanap ng lugar kung saan limang slot muna ang pagitan sa kaliwa at tatlo naman sa kanan.
Wala naman akong ibang bibilhin kundi mga ribbons para sa shop. Mas maganda kasing ako mismo ang namimili kesa mag order online dahil minsan ang mga dumarating ay pangit ang klase at madaling masira. Atleast nasusuri ko ng personal kapag ganito na ako mismo ang pumupunta.
Matapos magpark ay dumiretso na ako sa kung saan ako madalas bumili ng mga materyales. Book store siya ngunit mayroon ring mga school supplies na available at arts and crafts. Suki na ako sa lugar sa halos kilala na ako ng mga clerk na naroon.
Ikaw ba naman halos linggo-linggong bumibili sa kanila? Hindi ko nga lang alam mga pangalan nila lahat pero pamilyar ang mga mukha nila.
Nasa DIY section ang mga ribbons na hanap ko at mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang malaking sign board sa dulo ngunit bago ko pa man maihkbang ang aking paa ay naagaw ng aking pansin ang mga bagong dating na libro. Sinasalansan pa lamang ng mga clerk ang mga iyon at dahil malapit lamang ako sa kinaroronan ng mga iyon ay amoy na amoy ko ang mabangong amoy ng bagong imprentang mga libro.
Napakaraming bagong mga nobela at mga pocketbooks sa kahon. Hindi ko alam kung gaano karaming mga libro at pocketbooks ang tambak sa aming bodega. Pinamigay na nga ni Mama ang ilan sa kanyang mga kakilala ngunit marami pa ring naiwan.
Hindi lang kasi ako ang madalas bumili ng mga babasahin, pati rin si Mama. Ang ilan nga roon di ko pa nababasa. Mga pocketbook noong pinagbubuntis niya pa lamang ako. Iyon kasi ang naging libangan niya dahil pinagbawalan siyang magtrabaho noong kasalukuyan niya pa lamang akong pinagbubuntis. Maselan raw kasi ang pagbubuntis niya, kaya hindi na rin ako nasundan sa takot ni Papa na mahirapan nanaman si mama.
Paborito niya raw kainin habang nagbabasa ay Pretzel knots kaya ayon, doon niya nakuha pangalan ko pero nasanay na ang karamihan na tawagin akong Pritz, para maikli raw at hindi masyadong pa-girl dahil magpagkaboyish ako noong bata. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit medyo kulo ang buhok ko dahil wala namang kulot sa lahi nila Mama at Papa.
Sandali ko munang tinignan ang mga libro bago dumiretso sa kung saan talaga ang pakay ko. Nakakatuwa lang makita ang mga librong naroon. Binabasa ko ang mga title at kung sino ang sumulat.
Mga estorya ng mga manunulat na nag-umpisa lang sa isang platform noon na hindi naman gaanong kilala ngunit ngayon'y nabigyan na sila ng pagkakataon na mailathala ang mga estoryang bahagi ng kanilang makukulit na imahinasyon. Nakakaproud lang dahil ilan sa kanila ay nabasa ko na noon ang mga isinulat mula sa mga libreng softcopies o mas kilala sa ebook noon. Bawal na ang mga softcopies ngayon. Pagnanakaw kasi iyon at kawawa naman ang mga manunulat na pinagnanakawan nila. Pinaghirapan nilang isulat para pagkakitaan sa tamang panahon ngunit ang nangyayari ay iba ang nakikinabang ng kanilang pinaghirapan.
Masakit man isipin ngunit ganoon ang nangyayari.
Nakakamangha nga ang takbo ng kanilang isipan. Magugulat ka na lang at biglang matatanong ang sarili kung paano at saan nila napulot ang mga ideyang sinusulat nila. Ilan sa kanila ay mga kabataan lang noo na nangagarap na may magbasa ng kanilang likha at nahasa na lamang ng nahasa sa pagdating ng panahon.
Kaya naman bilang suporta ay isa sa mga libro ang dinampot ko. Fantasy book ang hilig ko at mukhang bago lang itong manunulat na si Wysteriashin. Sa pagkakaalam ko isang klase ng bulaklak ang wisteria, isang halaman pero lumalaki na kasing laki ng puno. Doon siguro niya nakuha pangalang ginamit niya. Balak ko sana basahin ang pabalat ng libro kaya tinignan ko ang likod.
"Hello Ma'am good morning po!" Bati sa'kin ng clerk na nagbabantay na book section at kasalukuyang naglalagay ng mga libro sa shelf malapit sa akin.
"Good morning!" Bati ko rin sa kanya at binasa ang nakasulat.
"Maganda po iyan. Pwede po sa mga bata, para ka pong nanood ng anime habang binabasa 'yan. Ibang klase po ang aksyon at mga eksena." Wika niya kaya naman hindi ko na tinapos ang pagbabasa ng nakasulat sa likod. Halata sa mga mata niya ang pagkamangha. Mukhang nabasa na niya ang libro kaya ganoon.
"Sige bibilhin ko 'to. Salamat." Baling ko naman at nakangiti siyang iniwan upang maipagpatuloy na niya ang ginagawa at para simulan ko na rin ang pagkuha ng mga bibihin kong materyales.
Nilagay ko na sa basket ang libro at dumiretso na sa DIY section para mamili ng mga ribbon at kung sinuswerte ka nga naman, napakaraming magagandang ribbon na pagpipilian kaya lang may isang customer na mukhang naguguluhan sa kung alin ang maganda sa tatlong hawak niyang rolyo ng mga ribbon. Mukhang nautusan ng asawa o kaya ng anak dahil may school projects ngunit sa lagay ay parang pinakyaw na niya ang mga paninda dahil umaapaw ang laman ng cart na nasa tabi nito.
Wala namang ibang tao na naroon kaya siguradong kanya iyon.
Palipat-lipat nyang tinitignan ang mga ribbon na hawak at mga nakasabit sa harapan niya. Dinig ko ang mahina nitong pagmura bago niya dinukot ang cellular phone sa bulsa ng kanyang pantalon.
Naks! IPhone. Big-time!
May tinawagan itong numero at ilang segundo lamang ay may kausap na ito.
"Matagal pa kaya ito?" Mahina kong tanong.
Kailangan ko kasi siyng hintayin dahil nakaharang siya sa daanan. Nakakahiya namang dumaan at makisiksik dahil makipot ang daan paras sa dalawang tao. Isa pa'y may cart siyang dala at puno ng kung anu-ano na nakabara sa mismong pwede kong daanan.
"Yeah I'm holding tree colors. Violet, pink and blue."
"How do I know? What kind of violet do you need?"
"I dunno! I just know it's blue. So many blue here with different blends."
"Whatever, I'll just take a photo and show you."
"Yeah, I have.
"How do I know? Just point those you need."
"Can you see? I'm already having a hard time here. I have a meeting before lunch."
"Just ask him to buy. I can't make it on time."
"Wait."
Ayan ang mga sinabi nila at halata sa boses ang labis na pagkairita. Mukhang inis na inis na ang lalaki. Violet, pink at blue. Nakakatawa naman kasi, ilan lang yan sa mga kulay na maraming klase.
Ito naman kasing mga lalaking ito talaga pakiramdam nila kasi ang blue, blue lang, ang red, red lang. E para sa'min napakaraming shades, blends and whatsoever ang ang mga kulay. Pero ang black, bukod sa matte at metallic na alam ko, meron pa bang ibang black? Ano sa tingin niyo?
Pero mabalik tayo kay kuya na nastock sa daan. Mukhang matatagalan pa bago ko makuha ang mga kailangan ko kaya inumpisahan ko na ang libro.
"Celestial Warrior." Basa ko sa title.
Intriguing mga ate mukhang maraming pasabog ang librong ito. Action Fantasy, may magic at mga supernatural powers. May kinalaman din sa kulay mga bawat angkan nila. Mukhang big deal talaga mga kulay ngayong araw na 'to, yung lalaki din kulay ang problema niya.
Hay kuya, mamili ka lang diyan. Magbabasa muna ako dito.
Hihintayin ko na lang siya umalis, maaga pa naman. Sabay sipat sa wristwatch na suot.
Maaga pa nga. 9am naman kami nagbubukas, 7:30 pa lang.
Binasa ko muna at hinayaan si manong sa pagpili ng mga kailangan at nakalimang kabanata na ako at nahohook sa estorya nang sa wakas, umalis na si Manong. Tulak ang ang cart na mga sangkatutak na mga ribbon at iba-iba ang kulay at disenyo.
Halos mahulog na ang iba dahil sa dami ng kinuha niya. Kaloka! Hinakot na niya yata lahat. Magbubukas yata ng tindahan ang mamang iyon.
Sa gulat ko nang makita ang laman ng cart na tulak niya ay agad kong pinuntahan ang mga magagandang ribbons na nakita ko kanina at mabuti na lang may natira pa, kaya lang ilang rolyo na lang ang naiwan.
Dinamihan ko na ang kuha bago pa man ako maubusan. Stock na rin namin sa isang linggo at babalik na lamang ako ulit bago maubos.
Matapos makapamili ay agad akong pumila sa may counter. Hindi naman mahaba ang pila ngunit si Mamang puno ang cart ang nasa unahan at ako ang pinakadulo. May dalawa pang nauna sa'kin kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa habang naghihintay.
Nakakalibang rin at hindi ko namalayan na tapos na pala ang dalawang nasa unahan ko. Tinupi ko ang pahina kung nasaan na ako at nilagay sa counter ang libro para mabayaran pati na rin ang laman ng basket na hawak ko.
Matapos magbayad at mag iwan ng tip sa bagger ay kinuha ko na ang mga pinamili.
Paglabas ko ng Mall ay minessage ko agad ang isa sa staff sa shop at sinabihang papunta na ako dala na ang mga materyales. Tinanong ko na rin kung may kustomer na ba. Sumagot naman siya agad ngunit hindi ko na nireplyan matapos makita sa screen ng cellular phone ang mensaheng pinadala niya.
May dalawa daw kustomer at naasikaso naman na daw.
Binuhay ko na ang makina ng kotse ko at inapakan ang aksilyador ngunit may bigla namang tumawid na kung sino at muntik ko siyang mabangga dahil sa pagmamadali nito. May dala itong malaking kahon at natatakpan ang kanyang mukha kaya hindi napansin ang kotseng nasa harapan. Mabuti na lang at nakapagpreno ako kaagad.
Mabilis akong lumabas sa sasakyan para alamin ang kalagayan niya.
"Naku! Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa lalaki at halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba at gulat.
"I'm okay. No worries." Sagot naman nito agad at inayos ang pagbitbit ng malaking kahon dahil muntik na niya itong mabitiwan kanina.
"Are you sure?" Paniniguro ko at kinakabahan pa rin dahil akala ko'y nabangga ko talaga siya sa lapit niya.
"Yes , I'm okay. Thanks for asking. Kailangan ko na umalis. Pasensiya na sa abala. " Paalam nito at nagmamadali ng naglakad palayo at hirap na hirap sa buhat na kahon.
Tinanaw ko na lang ang palayong lalaki at huminto ito sa itim na 4x4 at nilagay sa likod ng sasakyan ang malaking kahon. Dahil mukha naman siyang okay ay tumalikod na ako't sumakay sa kotse ko.
Mabuti na lang talaga at hindi ko nabangga. Bigla naman kasing sumulpot paano na lang kung hindi ko naapakan agad ang preno, naku! Sa kulungan ang bagsak ko kaaga-aga.
Bago pinaandar ang sasakyan na pinakalma ko muna ang aking sarili. Mahirap magmaneho ng lutang. Hindi man ako nakabangga ng tao, baka ako ang bumangga at para maalis muna ang malas. Naku! mahirap na.