"Be ready by one Pritz!." Mensahe ni Felicity umaga pa lamang kay Pretzel. Usapan nilang magshopping martes pa lamang para sa pupuntahang Alumni Homecoming sa eskwelahan kung saan nagtapos ng Accountacy si Felicity, kaparehong eskwelahan kung saan nag-aral ng Civil Engineering si Felix at naging kaklase Logan Lukhem. Isang exchange estudent ito noon, galing pa sa bansang Nepal at nagustuhan na ang Pilipinas kaya dito niya mas piniling magtrabaho at manirahan. Ang kanyang mga magulang ay may negosyo sa iba't-ibang mga bansa, nag-aangkat sila ng mga mamahaling alahas. Ginto, pilak, mga brilyante at iba't-ibang klaseng mga bato na may malalaking halaga. Isa siya sa mga bagong kliyente na hiningi ang tulong ni Felicity dahil nais nitong makahanap ng Filipina na ipapakilala sa kanyang mga ma