Isang mahigpit na yakap agad ang binigay ko sa kapatid ko ng makita ko ito. Binuhat ako nito paharap at hinalik halikan ang noo at pisnge ko. Akala ko tatagal sila ng isang taon doon sa US or ilang taon pa. Pero hindi ko aakalain na uuwi agad sila. Ang saya saya ko makita ang kapatid ko at mas gumagwapo! Maaliwalas ang buong mukha at mukhang naalagaan talaga nang tama ni Ate Sakenah! Ang saya saya ko! "I missed you, Kuya Lander." tumawa lang ito sa akin. Mahigpit pa rin ang yakap ko dito ay panay pa rin ang hali sa akin nito. "I missed my bunso, too!" natatawang sabi n'ya sa akin. "Halatang miss na miss mo ako ha? O gusto mo lang nang pasalubong?" Bumusangot ako kaya mas lalo s'yang natawa sa akin. "Ang ganda ganda nang kapatid ko." napangiti ako. "Ako pa ba?!" natatawang sabi ko. "M