Mula sa himpapawid ay tanaw na tanaw ko ang mga nagaganap sa ibaba. Ang pinsala sa kagubatan, mga nilalang na papalabas sa kweba na may mga bahid ng takot sa kanilang mga mukha at ang labanan na di pa rin natatapos sa pagitan ng mga kapwa Celestial at mga taong nauto ng matabang lalaking iyon. Nasa ligtas ng lugar ang aking ina kaya naman wala na ang agam-agam na nararamdaman ko kanina na baka may masamang mangyari sa kanya. Ngayon ko masusubukan ang kapangyarihan ko. Walang limitasyon ngunit dahil sa unang pagkakataon ko palang magagamit ay baka pumalpak ako. Tiwala lang. Kaya ko 'to. Kagaya ng plano huhulihin namin ang mga taong naririto at ibabalik sa kanilang mundo ngunit dahil bayad sila ng matabang yun at naglilingkod pa rin sila sa kanya ay hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa