Raven's POV May ilang bilin lang ang hari bago namin nilisan ang palasyo. Paulit-ulit niyang ipinaalala na wala dapat kaming pagsasabihan ng kahit na sino tungkol sa misyon na ito. Tuluyan ng nakalabas ang araw ng malaalis kami sa palasyo at nagsimulang maglakbay. Kailangan naming dumaan sa gubat at lagpasan ang dalawang bayan para makarating sa kweba at base sa kalkulasyon ko, aabutin kami ng dalawang araw at tatlong gabi sa paglalakbay. Mas mapapabilis sana kung sa himpapawid ngunit kailangan naming magingat. Di biro ang misyon na ito. Isang maling hakbang lang na magawa namin at isang digmaan na ang pwedeng maganap. At iyon ang hindi dapat mangyari. "Camilla, saakin ka lang laging tumabi para palagi kang ligtas." Dining kong wika ni Louie. "Kaya ko naman sarili ko. Wag ka magala