Lala's POV Madilim pa ang paligid ng maalimpungatan ako. Nakarinig ako ng mga kalampag mula sa labas. Base sa ingay, nanggagaling ito sa kusina. Si Raven siguro. Ang aga naman yata niya nagising. Sinubukan ko ulit bumalik sa pagtulog pero bigo na ako. Kaya napagpasyahan ko na lang bumangon at magayos na ng sarili. Malapit naman na sumikat ang araw. Itong araw na to ang misyon namin. Kagabi pa halu-halo ang nararamdaman ko. Kaba, excitement at saya. Naayos ko naman na ang mga dadalhin ko. Mga ilan lang na personal na gamit, pampalit ng damit at ang dagger na bigay ni Rue na hanggang ngayon hindi ko pa alam kung paano gawing espada. Madalas ko naman dala yun parang lucky charm na rin. Lumabas na ako ng silid ng makakuha na ko ng pampalit na damit. Tama nga ako si Raven. Di pa kasi n