Lala's POV Matapos ipaliwanag saamin lahat ng impormasyon at mga dapat na gawin ay pinauwi na kami para maghanda. Kasabay ko si Raven pero kanina pa walang imik. Hay naku Camilla!? Kailan ka ba masasanay? Hindi na lang din ako nagsalitabaka mabulyawan ako at masira ang araw ko kagaya ng pagmumukha niya. Hmm. Hindi ko naman sinabing pangit siya kaya wag kayo magalit sakin. Hindi talaga siya pangit pero masungit siya. Kagaya na lang ngayon nakakunot nanaman ang noo. Dedma na nga lang. Dumiretso na ako sa silid ko pagkarating namin sa kubo. Susubukan ko din hanapin si Rue para isama siya bukas. Bubuksan ko na ang pinto ng may marinig akong kalampag sa loob ng kwarto. Sino yun? May magnanakaw yata. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto para silipin kung sino ang nasa loob. Hindi