Lala "Welcome home." Bati ko sa sarili ko. Sumabog naman ang kagalakan sa aking puso ng muli kong masilayan ang bahay namin. Napatakbo ako sa pinto. Pinihit ang doorknob ngunit sa kasawiang palad sarado ito. Ano na bang oras? Madilim na ah. "Mommy? Kuya? Mommy?" Tawag ko ngunit walang sumasagot. Sinubukan ko naman silipin sa bintana ngunit madilim sa loob. "Wala pa po sila." Malungkot ko naman sabi kila Tatay Eros. "Kung ganoon maghintay na lamang tayo dito." Suhestyon ni Tatay Eros. Tumango naman ako at naupo sa harap ng pintuan. Nasaan kaya sila Kuya? Madilim na pero wala pa ring dumarating. Nagaalala na ko. Baka kung napano na sila Mommy at kuya. "Lala!?" Nagulat ako ng biglang may tumawag saakin. Nagawi naman ang tingin ko sa labas ng gate at nakita ko doon si Nanay Loly. Ka