Lala's POV Nagulat si Ginoong Darius sa biglaan naming pagbalik. Pinapunta agad kami sa silid kong nasaan ang hari. Alalang-alala ang hari ng makita ako. Isang mahigpit na yakap agad ang sinalubong niya sa akin. Ikinuwento naman ni Tatay Eros ang dahilan at ang pangyayari. "Hindi nga ako nagkamaling pasamahan ka kila Eros at Raven." Wika niya saakin. " Nakita niyo ba kung sino iyon." Tanong niya kila Tatay Eros. "Patawad po kamahalan. Pero napakabilis po ng pangyayari. Pakiramdam ko po isa pong babala iyon." Sagot naman niya. "Pasensya na po kung makikisingit ako. Nagaalala po kasi ako Papa kila Mommy at kuya. Baka po sila ang pagbalingan." Wika ko. "Wag kang magalala anak. Magpapadala ako ng magbabantay sa kanila habang hindi pa natin nalalaman kung sino ang gumawa nun." Wika ng a