Lala Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Tatay Eros. Nakaupo sa malaking bato. Simula ng nangyari kahapon hindi na ako pinansin si Boy Berde. Iniisip ko din kung ano ang sasabihin ko kay Mommy at Kuya pagbalik ko sa mundo ng mga mortal bukas. Tama kayo ng basa. Bukas na nga 'yun at maguumpisa na ang training namin pagkabalik namin mula sa Mortal World. Pero nalulungkot din ako ngayon kasi isang beses ko palang nakasama at nakausap ang tunay kong ama. Gusto niya raw sana akong makasama pa ulit at makipagkwentuhan ng matagal kaya lang baka manghinala sila. Mahirap na daw magtiwala sa mga taong nakapaligid sa palasyo. Kaya ito ako ngayon walang kasama. Nagiwan lang ng pagkain para sa akin si Tatay Eros, kasama niya si Boy Berde sa gubat para mangangahoy at maghuhuli daw sila ng usa.