Dalawang araw na ang lumipas simula ng dinala ako bi Tatay Eros dito. Kahapon, pinasama niya ako kay Kuya Sungit para maghanap ng prutas. Ngayon mas lalo siyang nainis at nagagalit na saakin. *Flashback "Bilisan mo nga maglakad!" Inis na utos niya sakin. "Grabe naman kuya. Ang dami kayang d**o na sumasabit sa damit ko. Ang kakati pa ng dahon." Pagrereklamo ko sabay hawi ng d**o at pagpag sa suot kong damit na nalalayan ng kung anu-anong klase ng dahon na kumakapit at ang hirap tanggalin. "Kuya? Kinukuya mo ko e halos magkaedad lang tayo." Sabi niya. "Weh di nga!?" Pangaasar ko. "Kung ayaw mong maniwala bahala." Sabi niya. "Bakit kasi pinasama pa itong babaeng to e." Nadinig kong bulong niya. Ayaw niya pala akong kasama bakit hindi siya umangal kanina kay Tatay Eros. "Panu ka makak