Raven's POV Matagal rin silang magkayakap at ngayon ay basang-basa na ang damit ni Camilla. Baliw lang! hindi niya ba naisip na tubig yun at pwede siyang mabasa o di kaya ay malunod. Unang bumitaw sa pagkakayakap ang babae. May sinabi pa siya kay Camilla bago siya biglang naglaho. Naupo naman si Camilla sa lupa at humagulgol. Hindi ko kilala kung sino yung babaeng naganyong tubig at kung bakit ganyan na lang ang iyak si Camilla. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Kailangan niya ng magpahinga. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Hinubad ko ang jacket ko at ipinatong sa balikat niya. "Tara na, uwi na tayo." Bulong ko. Inalalayan ko naman siyang tumayo at bumalik na kami sa kubo. Naririnig ko pa rin siyang humihikbi ng mahina habang naglalakad kami. Nang makarating kami sa kubo ay