Lala's POV Kararating lang namin ngayon sa kubo. Naiwan naman sa palasyo si Tatay Eros. Ang sakit ng braso ko ngayon kakabatak na pana. Nung nagpatuloy kami nung hapon, tinuruan naman ako ni Josh sa paggamit ng espada. May kabigatan kaya siguro nadagdagan sakit ng braso ko idagdag mo pa ang mga paltos ko sa kamay. Naupo muna ako sa sala para magpahinga. Bigla namang sulpot ng fairy sa harap ko at umupo sa hita ko. "Kumusta ka na? Akala ko bumalik ka na sa gubat." Wika ko sakanya kahit alam kong hindi naman siya sasagot. "Nakakapagod tong araw na to pero napakarami ko naman natutunan. Ganun talaga, kailangan natin magpalakas." Wika ko ulit sakanya. Mukha namang naiintindahan niya mga sinabi ko. Bigla naman siyang lumipad at lumapit sa mukha ko. "Nagugutom ka ba?" Tanong ko. Umiling