Lala's POV Isa nanamang araw ng pagsasanay. Si Ginoong Clavius pa rin daw ang magtuturo saamin. Saka nga pala sinabi niya kahapon na kapag nakaisang linggo na kaming naturuan ay magbibigay siya ng isang linggo para makapagsanay kami ng sarilinan. Pwede raw kaming magpatulong sa iba. Mukhang kakailanganin ko na ang tulong ni Tatay Eros nito. Nasabi niya kasi sakin na may kakilala siyang magaling sa paggamit ng pana. "Magandang umaga!." Bati ni Ginoong Clavius. Kasama niya ulit alalay niya kahapon. "May ibabalita muna ako sainyo, mula sa hari. Pinapaalam ng hari na may mga pagbabago sa pagsasanay ninyo." Wika niya.Nagumpisa naman ang bulungan. "Pwede bang makinig muna kayo?" Wika niya. Tumahimik naman ang lahat at nagpatuloy na siyang magsalita. "Gustong ipaalam sainyo ng hari, na hi