Lala's POV Ikalawang araw ng paligsahan na. Matapos ng narinig ko kay Josh kahapon ay parang nailang na akong kausapin siya. Ganun pa rin naman siya sa dati. Ako lang ang hindi komportable. Sa Arena na kami dumiretso dahil maaga raw maguumpisa. Kasabay ko si Raven kanina, pero humiwalay siya sakin pagkaakyat namin dito sa palasyo dahil may iniutos si Tatay Eros sakanya. May mahalaga pa raw na bagay na sasabihin ang hari ngayon. Kumpleto naman na lahat ng mga kalahok. Pero ang nakakaagaw ng pansin ko ay ang grupo nila Jane. Bakit nandito na sila? Sa lagay nila ngayon siguradong hindi nila magagawang lumaban. Panay benda ba ang iba't-ibang parte ng katawan at maga pa ang mukha ng tatlong kagrupo niyang lalaki. Nagawi naman ang tingin ko sa huli nilang nakalaban at kagaya kahapon may ng