Lala's POV Naiilang ako sa tingin na binibigay ni Raven sakin kaya nag aya agad akong pumunta sa Arena. Parang kakaiba talaga. Dahil ba sa sinabi ko sakanya nung nasa gitna kami ng laban o dahil sa sinabi ni Louie sakanya? Hay naku! Ang hirap manghula. Madam Auring kailangan po kita! Pero teka! Alam kong nakasunod sakin si Josh pero bakit parang ang bagal niya yata. Lumingon ako sa likod at nakasunod naman siya pero ang dahilan ng pagkabagal niya e dahil kumakain siya. Nagtake out pa pala. Gutumin talaga tong taong to. Hindi naman tumataba. Natural na patpating matangkad. "Hoy! Bilisan mo nga maglakad. Mabilaukan ka pa dyan sa ginagawa mo e!" Tawag ko sakanya habang panay ang nguya at kagat sa sandwich niyang hawak. "Oo na. Wala kang magagawa e sa nagutom ako e. Baka mamaya ito na