Merrick's Point of View Buong akala ko'y magpapahinga na siya at lulubayan na ako nang sabihin kong hahayo na ako upang magbabantay, ngunit mali pala. Sumunod pa siya sa akin hanggang sa paglalakad ko sa pampang at malayo na kami sa mga kubo, ngunit nakasunod pa rin ito. Naririnig ko ang bawat hakbang niya mula sa likuran at dahil mas mahahaba ang biyas ko kumpara sa kaniya, ang mga hakbang na ginagawa ko'y ay katumbas ng dalawang hakbang niya. Pati ang hingal niya't pagbuntong-hininga ay naririnig ng matalas kong tainga. Hindi ko lang nababasa ang nasa isip nito, ngunit maganda sana kung oo. Sa totoo niyan ay naasiwa ako sa presensiya ng babae. Hindi ko rin kayang harapin at pakatitigan nang diretso ang kaniyang mga mata. Tila nakikita ko ang mga mata ng piratang si Skull na may iniwa