Chapter 11

1751 Words
Merrick's Point of View Ilang linggo na lang at kaarawan na ni ina at wala pa akong maisip na regalo para sa kaniya. Nang nakaraang dalawang dekada ay binigyan ko siya ng kwintas na gawa sa mga sinisid kong makukulay na mga bato sa kailaliman ng karagatan at nang sumunod na kaarawan niya naman ay pinaggawa ko siya ng espesyal na kutsarang kahoy na tinuro ng mga kaibigan kong duwende kung paano gawin. May kapares pang katamtaman ang laki na mangkok iyon na gawa rin sa parehong klase ng kahoy at nilagyan ng mga ukit na simbolong makikita sa kalikasan gaya ng bulaklak, dahon at ang alon. Masayang-masaya siya sa mga regalong iyon ngunit ngayon na nalalapit nang muli ang kaarawan niya ay wala pa akong maisip para ibigay sa kaniya. Maging ang mga kaibigan ko ay wala ring maisip at maitulong sa pagpapasya. Hindi naman kasi mahilig si ina sa mga materyal na bagay. Maghahanda lang daw sila sila ng mga bulaklak at namimitas mga pananim sa araw na iyon bilang tradisyon sa kaniyang kaarawan. Naisip kong gawan siya ng ng anumang hilingin niya ngayon kaya siya na lang ang tatanungin ko. Pagsikat ng araw ay bumangon na ako. Wala si ina sa loob ng kweba nang magmulat ako at matapos kong magmuni-muni ay saka nagpasyang hanapin siya. Sa kweba iyon na 'ko natutulog mula nang mapisa ako sa itlog. Sa kwebang tahanan ng aking ina-inahan nila ako inalagaan at iyon ang naging silong at tahanan ng mga tunay kong mga magulang. Doon ako nakapulot ng ilang kaliskis na ginawa kong kwintas upang alaala sa pumanaw kong ama't ina. Malalaking piraso kaya pinaliit ko sa pamamagitan ng pagkukus sa magaspang na bato hanggang sa maging sukat na nais ko. Pinabutasan at ngayon ay suot ko sa aking leeg. Sa tuwing lalabas ako sa kweba at makikita ang iba't-ibang mga nilalang kasama ang pamilya nila ay hindi ko maiwasang mainggit. Oo, alam ko ang totoo na hindi ako gaya nila. Wala ni isa sa kanila ang kauri ko. Ako na lamang ang nag-iisang dragon na nabubuhay at ni minsan ay wala pa rin akong nakikitang kawangis ng anyong hiram ko, ang anyong tao sa paligid. Ang sabi ina ay nasa mga malalayong isla raw ang mga tao naninirahan. Doon sila sa mapapatag na lugar. Marami na raw siyang nakitang mga tao noon ngunit karamihan sa mga nakaharap niya ay mga masasamang tao naman daw. Mayroon naman daw mabubuti at sila ang gusto kong makilala ngunit bawal akong lumabas sa isla at hindi. Masyadong daw delikado ang buhay ko sa labas ng baluti at natatakot si ina na mapahamak lang ako sa mga kamay ng mga tao. Naiintindihan ko naman ngunit kasi, matanda na 'ko at kaya ko naman ang sarili ko. Matanda na ang tatlumpung taong gulang na tao ngunit dahil isa akong dragon, mas mabagal ang pagtanda ko sa kanila. Ang edad ko ay halos kalahati lang ng trenta kaya huwag kayong magtaka kung bakit isip bata pa ako at madalas kong lokohin si Elliot. Hilig ko ang makipaglaro sa mga hayop na nasa kagubatan dito sa isla, ang makipagkarera sa mga sirena. Mahilig ako sa inihaw na isda at mga matatamis. Sanay ang katawan ko sa mga mabibigat na gawain dahil sa taglay kong kakaibang lakas. Ako ang gumagawa ng mga bagay na hindi kaya ng mga duwende. Hindi kasi dinisenyo ang kaniyang katawan sa mga mabibigat na trabaho ngunit magaling sila sa pag-aalala ng mga pananim at kalikasa na bagay na mahina ako. Mga payat kasi ang pangagatawan nila kumpara sa akin na maskulado. Sabi ni ina ay epekto ng pagiging dragon ko ang ganda ng katawan kong ito. Matikas at gwapo aniya ngunit hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin sa gwapo. Magandang lalaki raw. Para sa akin naman ang maganda ay para sa lahat ng mga nilalang, sa lahat ng nabubuhay sa paligid. Walang maganda at pangit dahil lahat ay ginawa na may kakaiba sa isa't-isa ngunit hindi pangkat-pangkat. Lahat may tungkulin. Gaya ng mga puno na siyang naglilinis at nagpapalamig ng hangin, ang tubig na naglilinis at nagbibigay ng inumin, at kahit ang pinakamaliliit na nilalang ay may tungkulin din sa kalikasan na ginagampanan. Walang nilalang ang walang silbi. Malaki man o maliit, payat man o malaki. Tuluyan na 'kong nakalabas ng kweba. Hinanap si ina. Una kong naisip na naka naroon siya sa kabahayan ng mga duwende kaya roon ang unang lugar na akong tinungo, ngunit wala raw siya roon. Hindi pa raw nagawi roon sabi ng napagtanungan ko. Naglakad-lakad ako sa paligid upang hagilapin siya. Inuna ko na sa tabing-dagat dahil madalas doon nagpapahangin at nagpapaaraw siya. Kung nagtataka kayo at nagtatanong sa inyong mga sarili, mas madalas na anyong tao ang ginagamit ko. Mas madali kasing kumilos sa maliit na anyo at walang napakahabang buntot na maaring makasira ng mga bahay ng mga duwende. Nangyari na kasi kaya ayaw ko nang maulit. Nahampas ko ng buntot nang di sinasadya dahil bigla akong pumihit. Kaya naman heto, masadalas nila akong makita sa hiram na anyong ito. May suot lamang na pang-ibabang kasuotan upang matago ang bagay na hindi dapat makita ng mga mata ninuman. Isa pa ay nagagamit ko ang kamay ko nang maaayos kapag nasa anyong-tao ako at kapag dragon naman na nahihirapan ako dahil nagiging paa ang mga kamay ko. Ang turo pa sa akin ni ina, para sa mga tao raw ay napakapribado ng parteng nasa pagitan ng mga nila hita. Iyon ay sa parehong babae at lalaki ngunit sa babae ay may pang-itaas pa na kung saan nakakakuha ang mga sanggol ng nutrisiyon habang sila ay lumalaki. Alam n'yo bang noong sanggol ako ay pinahiram ako ng mga kababaihan duwende ng parte nilang iyon upang mabuhay. Hiram sa paraan na hinahayaan nila akong makihati sa nutrisyong ibinibigay nila sa kanilang anak. Sa sumatutal ay apat ang mga duwende nang panahong iyon ang binibigyan ako ng gatas at isa roon ang ina Elliot. Mas madali nga raw na alagaan ako noon. Hindi maselan at hindi iyakin gaya ng kanilang mga anak. Malalaki naman ang mga duwendeng narito. Kasintaas din ng mga tao. Iba nga lang ang kulay ng mga balat nila at matutulis ang dulo ng magkabilang tainga. Ang anyo ni ina ay parang tao rin ngunit kakaiba siya sa kanila dahil sa kapangyarihang taglay niya. Puti ang mahaba niyang buhok at asul ang pares ng kaniyang mga mata. Habang ang aking anyo kapag ako'y tao ay matipuno. Malaki ang aking pangangatawan, kung tawagin nila minsan ay bato-bato. Mapanga ako at matulis ang ilong. Makapal ang pilik, itim ang buhok at ang mga mata ko ay abuhin ang kulay. Malayo na ang nalakad ko ngunit wala pa si ina. Saan kaya siya nagpunta? Third-person's Point of View "Salamat kaibigan," ani Helena sa nakausap na sirena. Nagpunta siya sa pampang at tinawag ang pinakamalapit na nilalang na kaniyang makakausap. Kinakabahan kasi siya at nadadagdagan habang dumadaan ang mga araw. Naisip niyang humingi ng tulong sa mga sirena noon pang isang araw upang magmasid sa karagatan at magtanong sa iba pang mga nilalang sa dagat kung mayroon ba silang nakikitang mga barko o di kaya'y mga nakakasuspentsyang mga pangyayari sa kanilang paligid. Ang sirenang nakausap niya ay may dalang interesanteng balita. May nakita raw ang mga grupo ng mga pagi ng isang napakalaking barko sa laot. Hindi pa nila alam kung saan patungo. Sinabi ni Helena na balitaan siya ulit kung sakaling may makakitang muli sa barkong iyon at nangako naman ang sirena na agad siyang babalitaan kung sakaling may makuha siya muling impormasyon. Umalis na ang sirena. Lumusong nang muli sa tubig at huli niyang nakita ang buntot nitong makulay na umagat sa ibabaw ng tubig nang siya'y buwelo. "Inaaa!" nagitla si Helena nang marinig ang pagtawag na iyon. Nang lingunin niya sa gawing kaliwa niya kung saan galing ang pagtawag ay nakita niya si Merrick na naglalakad palapit at ikinakaway pa ang dalawang kamay. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ng diwata sa nakitang reaksyon ng kaniyang mahal na anak nang mahanap siya. Madalas hinihiling niya na sana manatili na lamang si Merrick na gan'yan. Masayahin, parang bata kung kumilos, inosente at mababaw ang kaligayahan. Ayaw niyang malason ang utak ng anak kahit pa hindi tunay sa kan'ya nanggaling ang binata. Mahal na mahal niya ito at walang papantay roon. Binilisan na ni Merrick ang mga hakbang at lumapit diwata. Hinintay naman siya ni Helena na makalapit. "Hinga muna Merrick," natatawa niyang sabi. Hingal-kabayo kasi at habol ang hangin. "N-nandito ka la-ng pala ina, k-kanina pa kita hinahanap," putol-putol siyang saad. "At bakit mo naman ako hinahanap?" usisa ng diwata. Natatawa dahil grabe ang lalim ng paghinga ni Merrick. Mukhang napakalayo ng pinaglakaran at nag-ikot pa para makita lang siya. "M-may ita-tanong lang po sana a-ko," sagot nito habang hinihingal pa rin. "Sige itanong mo na, pero hinga ka muna," anito sa binata at nilapitan na ang binatang bahagyang nakayuko't hawak ang magkabilang tuhod. Daig pa ang tumakbo ng ilang kilometro. Nang medyo normal na ang paghinga niya at t***k ng puso ay saka lang niya sinabi ang nais niya sa diwata. "Gusto ko lang po malaman anong nais mong regalo sa iyong kaarawan ina. Gusto kong ipaghanap ka o kaya gawan anuman iyong naisin," aniya nang may galak. Ngumiti muna ang diwata sa kaniya bago sumagot. Para sa kaniya naman ay wala siyang gusto. Sapat na na ligtas ang lahat ay tahimik silang nabubuhay. Walang kaguluhan at walang mga nagnanais na saktan sinuman sa kanila. Naalala niyang may barko raw na malaki na hindi pa alam kung saan patungo. Kinukutuban siyang baka may hinahanap ito at kung ang kanilang isla ang pakay, tiyak na nasa panganib ang lahat. "Wala naman akong nais na regalo anak, ngunit may isa akong hihilingin," tugon ni Helena na sumeryoso ng mukha. Nagliwanag ang awra ni Merrick nang marinig iyon at dali-daling tinanong kung ano ang hiling ng kaniyang ina kahit medyo nagtataka sa mabilis na pagbabago ng ekspresyon sa kaniyang mukha. "Maari mo bang protektahan ang lahat ng naririto sa isla sa kaarawan ko?" tanong niya sa binata. "Syempre naman ina!" magiliw niyang sagot kahit hindi alam kung laban saan at kanino. "Salamat kung ganoon. Iyon lang ang hiling ko, kapag nagawa mo ay labis na ang saya ko," usal ng diwata na matipid siyang nginitian. Niyaya na siya ni Helena na pumunta sa sentro ng isla upang makapag-agahan. Sasabay sa mga naninirahan doon sa pagkain bago simulan ang kanilang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD