Pumasok sa isang silid si Rekker na ayaw na ayaw ng kaniyang ama na puntahan ninuman. Batid niyang may itinatago ito sa loob ng silid kaya ayaw magpapunta roon ng kung sino at kahit pa silang magkapatid pa 'yan. Nakakandado ngunit walang sinabi ang mga ganoong kandado sa kaniya pagdating sa kaniyang mahiwagang kapirasong alambre na madalas na nasa kaniyang bulsa.
Iyon ang kaniyang ginamit bilang susi at nang narinig ang mahinang tunog mula sa loob ng malaking kandado ay siya ay napangiti. Iyon kasi ang senyales na nabuksan na niya ito at nang hilahin niya ang ibabang parte ay agad na niyang naalis.
Pumasok siya sa loob at nakita ang mga lumang kasangkapan doon. Bahagyang nadismaya dahil mukha namang walang mga kwenta ang mga bagay na naroon ngunit pinakatatago ng kaniyang ama. Naisipan niyang maglibot sa silid at maghalughog kahit wala naman siyang ideya kung ano ang mahahanap niya roon o kung mayroon bang interesanteng bagay na makikita.
Sinilip niya ang mga may nakatakip ng tela. Mga aparador lamang naman iyon na luma na. Upuan, lamesita at kung ano-ano pa. Sa inis niya ay inalis na lamang niya ang mga takip at inihagis sa kung saan-saan hanggang sa may nakita siyang kakaibang orasan na nakasandal sa mismong pader ng silid.
De susi ang orasan at kasing taas ng tao ang kaha. May napansin siya maliit na susian sa gilid na nagdala ng labis na kuryosidad sa kaniya. Sinbukan niya kung mabubuksan niya ba iyon gamit ang kaniyang alambre.
Nilusot niya sa loob ng susian ang alambreng ginamit niya kanina sa kandado sa labas. Kinalikot ang loob at ilang sandali pa ay nagawa na nga niyang buksan.
Tuwang-tuwa niyang binuksan ang maliit na pinto. Buong akala niya ay isang lalagyan lamang iyon ngunit ang nasa likod pala ay isang lagusan. Makipot lang ang daan ngunit kasya ang isang tao. Madilim at wala siyang matanaw anumang bagay sa loob.
Mula sa tambak ng mga gamit ay naghanap siya ng magagamit na pang-ilaw at sa isang aparador ay nakita siya ng kandila at posporo.
Dali-dali niyang sinindihan ang isang kandilang di gaano kalahikan at nang may apoy na ay pinasok na niya ang lagusan.
Sa unang hakbang paloob, napansin niyang hagdan pala pababa iyon. Maingat siyang bumababa at nakiramdam sa paligid baka mamaya ay mayroon pala roon patibong. Sa kabutihang-palad ay wala naman kaya narating na ang pinakaibabang nang ligtas.
Sobrang dilim sa ibaba, mabuti na lamang at nakahanap siya ng kandila. Iginala nila ang mata sa paligid at humakbang pa. May nasipa siyang isang bagay at dinig na dinig ang pagkalasing sa loob dahil kulob na kulob ang lugar. Walang bentilasyon, wala man lang kahit maliit na butas.
Ibinaba niya ang hawak niyang kandila at pumihit sa parte kung saan siya nakasipa at nang magtama't kumalat ang liwanag ay naguntang siya sa mga nakitang bagay.
Mga kayamanan.
Nakalagay pa sa mga sako ang mga iyon. Mga ginintuang mga bagay, alahas at mga baryang ginto na halos nakakalat lang sa sahig. Para siyang nahinang bigla sa labis na tuwa sa nakita at hindi alam kung alin ang dadamputin. Higit limang sako pa ang mga naroon. Lahat ay puno pa.
"Saan galing ang mga ito? Bakit napakarami?" naibulalas niyang tanong at hindi mapakali.
Namulot siya ng maari niyang ibulsa. Sapat upang may magamit at makaalis na sa poder ng kaniyang ama. Nang puno na ng kaniyang magkabilang pulsa ay aalis na sana ito ngunit sa kaniyang pagtayo ay napansin niya ang lumang kwaderno at nakatuping itin na tela na nasa ibabaw ng maliit na lamesang naroon.
May upuang kahoy pa sa tabi. Naisip niyang baka madalas doon ang kaniyang ama kapag hindi niya ito mahagilap. Tinitignan ang mga nakatagong kayamanan niya habang nagbabasa.
Nang makatayo na ay nilapitan niya ang lamesang naroon at dinampot ng kwadernong may nakaipit na papel na nakatupi. Sa parte kung saan nakaipit ang papel siya nagbuklat at nang mailaw ng kandilang kaniyang hawak ay nadiskubre nilang isa pala iyong mapa.
Hindi niya naiintindihan ang mga nakasulat. Ang kwaderno naman ang kaniyang binuklat. Sulat kamay at napakagulo pa ng pagkakasulat. Nabura na ang ibang mga salita at letra dahil siguro nabasa iyon noon ngunit may mababasa pa naman.
Nadiskubreng iyon pala ay talaan dahil sa mga petsa at lugar na nakalagay. May roon din mga ngalan ng napaslang at lugar na pinagnakawan. "Mga ekspedisyon, ngunit kanino?" natanong niya sa sarili at nang mahagip ang ngalan ng kaniyang ama ay roon niya napagtantong sa ama nga niya iyon.
Bigla siyang kinabahan. Naguluhan bigla sa pagkatao ng taong kaniyang kilala. Muli niyang binalikan ang mapa. Inalis ang lugar kung saan nakaipit at binasa ang mga nakasulat sa parteng iyon. Nakalagay ang tungkol sa misteryosong isla na kanilang natagpuan sa gitna ng karagatan at malinaw niyang babasa na roon nila nakuha ang sandamakmak na mga kayamanan.
May pumasok na konklusyon sa kaniyang isip kung anong klaseng tao ang kaniyang ama noon at ang telang itim na nakatupi sa lamesang naroon ay ang nagbigay kasagutan sa kaniya.
Kinuha niya ang kwaderno kasama ng mata pati na rin ang telang itim na isang watawat ng piratang grupo na naririnig niya lamang sa mga kwento.
Ang pinakakinakatakutang mga bandidong pirata na walang awa kung pumatay at magnakaw ng di kanila. Lumabas na siya roon at muling sinara ang kaniyang mga binuksan. Palihim siyang bumalik sa kaniyang silid upang kunin ang gamit na kaniyang sinilid sa kaniyang sisidlan.
Sa likurang bahagi ng kanilang malaking bahay siya dumaan kung saan walang mga bahay at isang maliit na kabundukan. Naisip niyang puntahan ang isa sa mga kaibigan ng kaniyang ama na pinakamalapit siya upang humingi ng linaw sa kaniyang nadiskubre.
Sumakay siya sa isang barko at napahatid sa isla kung nasaan ito at nang makarating doon ay hating-gabi na. Malinaw naman na sa kaniya ang mga nabasa sa talaan ngunit mas mainam aniya sa isip na kumpirmahin mismo ang lahat ng naroon.
Nagpalipas muna siya ng gabi sa isang paupahang silid malapit sa isang taberna. Nais niya sanang matulong ngunit gising na gising ang kaniyang diwa. Punong-puno ng katanungan ang kaniyang ulo at hindi na makapaghintay na makuha ang lahat ng mga kasagutan.
Gising siya hanggang umaga at nang sumikat na ang araw ay umalis na siya't pinuntahan ang tahanan ng taong kaniyang pakay. Agad siyang pinatuloy nang magpakilala siya sa mga bantay na naroon. Dinala siya sa silid kung saan nag-aagahan ang pamilya ng mga Demore.
Nang matanaw siya ng kaibigan ng kaniyang ama ay mabilis itong tumayo sa kaniyang kinauupuan at siya'y sinalubong.
"Rekker! Biglaan ka yatang nagawi ka rito? May usapan ba kayo ng anak ko?" sunod-sunod na tanong ng haliga ng tahanan ng mga Demore na si Nicholas.
Niyakap pa siya nang makapit na ito at niyayang maupo upang saluhan sila sa kanikang pagkain ng agahan.
"Hindi na, may nais lang akong itanong at malaman," pagtanggi niya nang walang galang at seryosong-seryoso ng ekspresyon nakapinta sa kaniyang mukha.
"Anak-
"Hindi siya, ikaw ang pakay ko Nicholas," putol niya sa Ginoo na akmang tatawagin sana ang kaniyang panganay na anak na kaibigan ng binata.
"Ako?" tanong ng Ginoo na napangiwi na lamang sa kabastusan ng ugali ng nasa kaniyang harapan.
"Oo" mabilis namang sagot nito.
"Sige, halika. Doon tayo sa silid-aklatan mag-usap. Mukhang seryosong yatang bagay ito at nagawi ka ng ganito kaaga sa aming tahanan," yaya niya kay Rekker.
Hindi muna sinagot ng binata iyon dahil may mga nakasalubong silang mga tagasilbi at baka marinig pa nila. Naghintay siyang makarating nuna sila sa silid-aklatan dalawa at doon niya isisiwalat.
Niyaya siyang maupo ni Nicholas. Nang nakaupo na'y inilabas niya mula sa sisidlang gawa sa tela ang kaniyang dalang bagay na kinuha sa tagong silid na kaniyang natagpuan.
Gulat ang rumehistro sa mukha ng Ginoo.
"S-saan mo na-kuha ang mga 'to?" tanong ni Nicholas at di makapaniwalang nasa anak ni Skull ang mga iyon na labis na pinakatatago ng kanilang dating amo dahil sa pagnanais na magbagong buhay at itago sa mga anak ang kaniyang dating buhay.
Ganoon din ang lalaking kaharap ni Rekker. Hindi rin alam ng kaniyang pamilya ang nakaraan niya at nagsinungaling na isa siyang negosyante at mayamang manlalayag noon bago niya nakilala ang kaniyang asawa ngayon.
"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha. Gusto ko lang malaman kung totoo ang mga nakasulat dito," tugon ng binata.
Napalunok ang kaharap niyang Ginoo. Tumayo muna siya at pumunta sa pinto upang isarang mabuti at tiyaking walang makakapasok. Nang balikan niya ang binata ay roon niya ibinigay ang sagot sa tanong nito.
Nagpatuloy lang sa pagkuwestyon sa kaniya ang binata. Daig pa niya ang nasa ilalim ng matinding interogasyon. Natakot ang Ginoo sa kaniya na baka sabihin sa kaniyang pamilya ang nadiskubreng bagay at kapag nakataon, baka iwan siya ng kaniyang asawa at mga anak na labis siyang iniidolo.
Nawala ang tapang niya biglaan. Panay ang kaniyang lunok at nauutal. Pinagapapawisan na rin ng malamig at hindi mapakali ang mga daliri niya sa kamay na kaniya na lamang pinagkikiskis ang palad upang kahit papaano ay mapakalma niya ang kaniyang sarili.
Nang makuha ang mga impormasyon na nais ni Rekker ay nagpaalam na ito ngunit bago umalis ay hiniling muna siya kay Nicholas.
"P-para saan naman ang mga iyon? Saan ka pupunta?" usisa ni Nicholas sa binata nang sabihing kailangan niya ng barko at mga tauhan.
"Pupuntahan ko ang isla," sagot nito na hindi man lang nagawang ikurap ang mga mata.
Napatayo sa kaniyang kinauupuan ang Ginoo at nilapitan ang binata.
"Naku Rekker hindi magandang biro iyan," aniya rito.
"Hindi naman ako nagbibiro. Pupuntahan ko ang isla at kukuha ng kayaman na higit sa yaman ng ama ako. Ipapakita ko sa kaniya na kaya ko siyang higitan," matapang nitong sagot na ramdam na ramdam ng kaharap na Ginoo ang galit sa kan'yang boses.
"Delikado sa lugar na iyon. Baka mapahamak ka lamang doon," may pag-aalalang turan ni Nicholas.
"Wala akong pakialam, kukunin ko lahat ng kayaman doon kahit pa delikado," anito na nagkikiskisan pa ang mga ngipin.