Chapter 16

1924 Words
Mahigpit ang pagkakahawak ni Merrick sa leeg ni Rekker gamit ang isa niyang lamang kamay. Nagawa niyang maiangat ang paa nito mula sa buhangin na kanilang tinatapakan sa ganoong paraan. Ang hindi na halos makahingang si Rekker ay mahigpit din ang kapit sa braso ni Merrick na pumipiga sa kaniyang leeg habang sinusubukan nitong pumalag sa pamamagitan ng pagsipa sa taong-dragon. Natatamaan ang binti ni Merrick ngunit wala siyang pakialam. Halos pareho lang sila ng taas ngunit mas matipuno si Merrick sa kaniya at malayo sa katawan ni Rekker na medyo payat kaya madali siyang naiangat nito sa ere nang walang kahirap-hirap. Nagtatagis ang kaniyang panga. Nagkikiskisan ang mga ngipin sa kaniyang gigil. Matalim ang tingin niya sa taong kaniyang sakal at kitang-kita ang labis na galit sa kaniyang mukha. Ang mga duwendeng nakamasid sa nangyayari ay nakatulala na lamang sa kanilang kinaroroonan. Iyon pa lamang kasi ang unang pagkakataong nakita nilang nagalit nang labis si Merrick at nanakit ng tao sa kanila mismong harapan. "Naku!" naibulalas ng babaeng duwende. Napatakip siya sa kaniyang mga mata at pumihit sa ibang direksyon dahil para bang hindi niya kayang makita ang nangyayari. Ang mga kalalakihan ay ganoon din ngunit mas kailangan nilang magmasid at maghanda sa maaring mangyari. Ang mga nagtangkang tumakas ay nagawa na ng paraan ng mga sirena. Hinahanap nila ang mga bangka nila hindi ba? Kaya dinala nila ang mga tao kung nasaan na ang mga bangka nila. Bumabaon na sa balat ni Rekker ang may kahabaan kuko ni Merrick. Umuubo na si Rekker dahil nauubusan na ito ng hangin at anumang segundo ay malalagutan na ng hininga. Tumatalsik ang kaniyang lawak at dila ay nakalabas. Papunta na sa kulay lila ang balat niya sa mukha. Nang makita ni Merrick na labis nang naghihirap ang tao sa kaniyang ginagawa ay bigla siyang natauhan. Mabilis niya itong binitawan. Patumbang nahulog na lamang ito sa lupa sa kaniya mismong harapan. "Hindi ko kaya!" sigaw niya sa kaniyang isip. Hindi niya raw kayang pumatay kahit pa may kasalanan ang ama ng kaniyang kaharap sa kaniya. Kailangan niyang gawin iyon upang protektahan ang mga nasa isla gaya ng hiling ng kaniyang ina-inahan para sa kaarawan nito ngunit ang kumitil ng buhay gamit ang kaniyang kamay ay hindi niya kaya. Akmang iiwan na sana niya si Rekker ngunit bigla niya itong narinig na tumawa habang umuubo. Nahinto siya sa paghakbang at habang nakatalikod siya rito ay ito naman ang sinabi ni Rekker, "Hahaha! M-mahinang nilalang. Gaya ka rin ng mga magulang mong mahina. Kaya sila namatay ay dahil mahihina sila!" kaniyang pang-iinsulto sa kaniyang uri. Nagpantig ang magkabilang tainga ni Merrick sa mga salitang iyon at kahit habol ang hininga ay nagawa pa rin siyang insultuhin nito at hindi lang siya, dinamay pa ang mga patay na. Napabaling muli siya sa taong masama ang tabil ng dila. "O, kay sarap putulin," aniya sa isip. "Anong sabi mo?" kaniyang tanong sa tao kahit malinaw naman niyang narinig ang mga sinabi nito. Bibigyan niya lang ng pagkakataon na baguhin at bawiin ang mga pang-iinsulto nito sa kaniya at sa mga magulang niyang nananahimik na kung nasaan man sila ngayon. "Tss.. Mahina na bingi pa," bulong ni Rekker na parang nawala sa kaniyang isip kung ano ang kaniyang iniinsulto nang husto. Muling nagpantig ang tainga ni Merrick nang marinig ang pagbulong nito. Akala yata ay hindi niya naririnig gayong napakatalas ng kaniyang pandinig. Mukhang inuubos talaga ng taong iyon ang kaniyang pasensya. Humakbang siya sa palapit at tumalungko siya sa may bandang ulunan ni Rekker. "Anong pangalan ng ama mo tao?" tanong niya rito nang makalapit. "Bakit mo tinatanong?" may ngising tanong din sa kaniya nito. Unti-unti nang bumabalik ang kulay ng balat niya at nakababawi na rin ng hangin. "Sagutin mo na lang," may diin niya tugon sa sutil na binata. "Hindi ko sasabihin kaya huwag kang umasang may makukuha kang impormasyon tungkol sa aking ama, Dragon," matapang niyang sagot. "E kung sakalin kaya kita ulit?" ani Merrick at akmang ilalapit na ang kamay sa leeg kay sa kaniyang kausap ngunit napabalikwas ito at umupo sabay atras palayo sa takot na baka totohanin nito ang sinabi. "Takot ka rin naman pala, kaya sagutin mo na ang tanong ko," ani Merrick na napangisi sa reaksyon ng tao. Pinagala ni Rekker ang kaniyang mata sa paligid upang maghanap ng maaring magamit na armas laban sa taong-dragon na kaniyang kaharap. Nais niyang hanapin ang kahinaan nito upang magawa niyang nakauwi sa kanila. Mula sa mga kasangkapang nagkalat at mga kayamanan at nakakita siya ng espadang ginto. Kinain na ng tubig alat ang malaking parte nito at hindi siya sigurado kung matalim pa at magagawa niyang maibaon sa katawan ng dragon na nagbabalatkayong tao. Pasimple siyang kumilos upang malapitan iyon. Dinaan niya sa pakikipag-usap muna. "Sino ka ba talaga at bakit kaya mong gayahin ang tao?" unang tanong niya. "Bakit ko sasagutin ang tanong mong iyan? Ayaw mong sagutin ang tanong ko hindi ba?" balik niya kay Rekker. "Mukhang mahihirapan ako," bulong niya sa sarili nang ayaw sumagot nito nang maayos ngunit kailangan niyang makuha ang espada. "Oo nga, tama ka naman haha." Sinundan pa ng tawa. Akala yata ni Rekker ay hindi natunugan ni Merrick ang balak niya. Gayunpaman, hinayaan na pa rin niya ito sa balak gawin at iyon na nga, tumakbo ito at dinampot ang espada ngunit sa kaniyang pagharap ay wala na si Merrick sa pwesto nito kanina. Hinanap niya ito sa paligid. Nagpalinga-linga. Tumingin sa itaas at hinanap sa langit. Wala siyang nakita. "Lumabas ka dragon!" tawag niya rito. Gusto niyang gantihan ito sa ginawang pagsakal sa kaniya at para na rin tapusin na ito at makauwi na siya. Nakarinig siya ng malakas na pagaspas. Nilingon siya kung saan banda niya narinig ngunit wala siyang nakitang lumilipad. Kahit ibon o panika nga ay wala siyang nakita. Pinaglalaruan siya ni Merrick. Galit siya sa tao ngunit hindi naman niya kayang pumatay. Naiinis din siya dahil kaya niyang maging kawangis nila, gayong ayaw niyang maging tulad nila. Mga walang puso, pumapatay at nagnanakaw ng mga bagay na hindi kanila. Sa isip niya nang mga oras na iyon ang mga tao ay mga masasama, mga makasalanang nilalang at pare-pareho lang sila. "Lumabas ka dragon! H'wag kang duwag! Magpakita ka sa akin!" pasigaw niya tawag kay Merrick. Tinawag niyang duwag gayong siya nga ang nanginginig na ang tuhod sa takot lalo pa at hindi niya ito mahagilap sa dilim. "Hoy! Lumabas ka! Harapin mo 'ko kung talagang malakas ka at hindi ka duwag!" pilit niya kay Merrick. Lumapag nga ito sa harapan niya at napaatras naman ito sa laki ng nilalang na halos dalawampung beses ang laki sa kaniya. "Magpalit ka ng anyo para patas ang laban! Hindi gan'yan!" utos niya rito dahil baka bugahan siya ng apoy at maging abo na lamang siya roon. Inuubos talaga ng tao ang pasensya ni Merrick. Kung ano-ano ang sinasabi at hiling na akala mo kung sino. Hindi sinunod ni Merrick ang hiling niya kaya naman sinugod na niya ito. Akmang sasaksakin nang hawak niyang espada. Nang nakalapit siya, ang galit na si Merrick ay ginamit ang isang paa niya sa harapan at inampas noon ang lalaking palapit. Hindi na niya makontrol ang kaniyang galit. Kinasusuklaman niya ang mga tao sa pagsira ng isla at pagpatay sa kaniyang mga magulang. Tumilapon sa buhangin si Rekker. Nagpalit siya ng anyo muli. "Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon para bawiin ang mga sinabi mo sa mga magulang ko!" singhal niya sa taong nakahiga sa buhangin. Hawak nito at nasaktang likod na tumama sa bato at kahit alam niyang maari siyang paslangin ng nasa kaniyang harapan ay wala siyang balak na bawiin alinman sa mga sinabi niya. May nakapa si Rekker na malalim sa kaniyang likod at kinuha ang pagkakataon upang gamitin iyon kay Merrick. Naiharang ni Merrick ang kaniyang braso at iyon ang nahiwa ng matalim na basag na bahay ng talaba. Nagawa niyang sugatan si Merrick gamit iyon na hindi inaasahan ni Merrick na mangayayari. Uulitin niya pa sana ngunit nahawakan na ni Merrick ang kamay niya at pinilipit iyon. "Tanggapin mo na lang na mahina ang mga magulang mo kaya sila napatay ng ama ko at ng mga tauhan niya," usal nito at pinilit na naglalaban sa binata. Nagblanko na ang utak ni Merrick at nagawa siyang masuntok ni Rekker sa mukha. Dahilan para layuan siya ni Merrick habang hawak ang pisngi niyang nasaktan na para bang wala siyang lakas ng dragon kapag tao ang kaniyang gamit na kaanyuan. Nakita niya ang espada na nabitawan ng tao nang tumilapon ito. Humakbang siya palapit kay Rekker na akmang tatakbuhan na siya ngunit naharang niya ito at muling dinakma sa leeg. "Binigyan kita ng pagkakataon," usal ni Merrick na mas diniinan ang pagkakasakal sa taong sinagad na ang pasensya niya. "W-akla ak-kong bwa-bawiin," sambit ni Rekker na halos mapilipit na ang dila ngunit mas pinairal ang ugaling taglay kahit nanganganib na ang kaniyang buhay. Dahil sa sagot niyang iyon, isinaksak ni Merrick ang hawak niyang espada sa tiyan ng kaniyang sakal-sakal. Naramdaman ni Merrick ang mainit na likido na lumabas mula sa tiyan ng taong kaniyang sinaksak ng espadang hawak. Binitawan niya iyon sabay ng pagbitaw niya sa leeg ni Rekker. Natumba ang duguang si Rekker sa buhangin patagilid. Nagimbal na lamang si Merrick sa kaniyang nasa harapan. Ang kamay niyang namula dahil sa dugo ay kaniyang unti-unting inangat at halos bumaligtad ang kaniyang sikmura habang nakatingin sa mapulang kamay. "Merrick!" malakas na tawag sa kaniya ni Elliot at patakbong nilapitan ang kaniyang natulala na lamang na kaibigan. Maging ang iba ay lumabas na rin. Ang mga sirena ay umahon sa tubig upang tignan ang kinahantungan ng taong nagsabing ama nito ang pumaslang sa dalawang dragon noon. Tulala si Merrick na nakatingin lang sa kaniyang kamay. Binasa ni Elliot ang ang pinunit niyang laylayan ng suot niyang damit at sinakluban ang kamay ni Merrick na may dugo. Kinuha niya ang kamay nito at mabilis na pinunasan. Hinarang ng mga lalaking duwende ang bangkay ng tao upang hindi na makita ni Merrick. Inakay nila ang binata palayo sa lugar at lahat sila ay awang-awa sa itsura nito. Bakas sa mukha na hindi nito alam ang nagawa. Wala siyang balak paslangin ang tao. Nais niya lamang sanang takutin ngunit sinagad siya nito. Ayos lang sana kung siya lang ang ininsulto ngunit ang magulang niyang hindi niya nasilayan ang puntirya ng tao. "Anong gagawin natin sa isang ito?" tanong ng isang duwende sa kaniyang mga kasama. "Sa tingin n'yo matutuwa ang diwata kung ibabaon natin sa lugar kung saan natin nilibing sina Kino at Kira?" tanong ng isa pang duwende. "Sa tingin ko hindi niya ikatutuwa iyan. Sa ibang lugar na lamang natin dahil. Isama na natin sa mga makasamahan niyang nasa ilalim na ng tubig at ipakain sa mga pating," sagot ng isang sirena. "Mabuti pa nga siguro," pagsang-ayon ng isang duwendeng nagtanong. Nang dahil tumahimik na ang paligid, ang dagang-dagat na nasa ilalim ng buhangin nagtatago kasama ang kaniyang dalawang anak ay nagpasya ng lumabas. Nakita niya ang mga duwende at mga sirena na kasalukuyan nag-uusap at maya-maya lang ay buhat na ng dalawang duwende ang isang taong mukhang wala ng buhay. Dinala nila sa may tubig at hinayaan ang mga sirena na dalhin sa kailaliman ng ang bangkay. Doon itinali ang paa sa barkong nakalubog upang hindi lumutang at maya-maya lang nang sila'y umalis na, isang dambuhalang pating ang nagpakita. Dinaanan lang siya nito ang bangkay at wala ni kahit katiting na parte ng kaniyang katawan ang naiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD