Chapter 2

1806 Words
Sa kabilang parte ng isla ay nagkakasiyahan ang iba't-ibang mga nilalang. Naroon ang di mabilang na mga sirena, mga duwende at iba't-ibang mga hayop na hindi pangkaraniwan ang mga itsura. Inihahanda nila ang mga bulaklak, prutas at gulay na kanilang inani sa kanilang mga taniman. Ang lahat ng mga iyon ay ipapasok nila sa kuweba upang pagmulat ng diwata mula sa magdamag nitong pamamahinga ay iyon agad ang sa kaniya'y unang bubungad. Sa sampung dekada na siya'y gising, iyon lamang ang tanging gabi na siya'y nahihimbing. Ilang oras lamang iyon kung tutuusin ngunit ang katumbas namang lakas na kaniyang mababawi'y magagamit niya na sa napakahabang panahon. Kaya naman ipinagbabawal na siya ay gambalain. Habang abala sila nang mga oras na iyon, ang mga pirata nama'y abala rin. Kan'ya-kan'ya ang silid nila ng mga bagay na kanilang napupulot. Isang nilalang na hawig ng otter sa mundo ng mga tao na may bahay na gaya ng sa pagong ang napag-utusang ipalita na may mga taong nakapasok sa isla. Mga dagang-dagat kung sila'y tawagin dahil mas gusto nilang manirahan sa pampang at sa kailaliman ng buhangin. Ang kanilang mga taas ay tatlong talampakan at karamihan sa kanila'y bilugan ang pangangatawan. Binubutas nila ang lupa gamit ang matutulis nilang mga kuko, kukong pabilog ang mga dulo na kapag nakasara ay may hugis na mabubuo. Ang pinakamabilis sa kanilang grupo ang napag-utusang magdala ng balita sa kabilang parte ng isla. Mabilis siyang naghukay sa buhangin dala ang bilang na sinabi't kanilang pinagpasapasahan. Mabilis ang kaniyang pagkilos at ilang beses muna siyang nauntog sa mga ugat ng puno't mga bato. Wala pang dalawang minuto, nakarating na siya sa kabilang dako. Pag-ahon niya sa lupa'y nataranta muna siya ilang segundo. Hindi alam kung sino ang kan'yang unang lalapitan at pagsasabihan sa mga ito. Sa huli'y nakapagpasya na lamang siyang magsisisigaw, habang mabilis niya silang iniikutan. "Napasok tayo! Napasok tayo! May mga pirata! May mga pirata! Apatnapu't pito sila! Apatnapu!" paulit-ulit at malakas niyang sigaw. Sa bilis niya at tinis ng boses ay hindi pa nila siya maintindihan at kung hindi lang siya nadapa ay hindi nila malilinaw ang kaniyang nais iparating sa kanila. "Maghinay-hinay ka sa pagtakbo dagang-dagat. Ano bang nangyayari at ika'y parang sinisilaban?" tanong ng isang matandang duwende na di hamak na mas malaki sa kaniya. "May mga pirata! Napakabingi! Pinasok tayo at kinukuha na nila ang mga kayamanan sa kabilang bahagi ng ating isla!" pagsigaw nitong sagot na may bahid ng pagkairita. Ang lahat ng nakarinig ay nabigla sa kaniyang sinabi. Wala pang isang oras magmula nang nawala ang baluti ngunit heto't nagawa na ng kung sinong mga pirata ang makita ang kanilang isla at makapasok pa. "Totoo ba 'yan? Tanong ng isang sirenang gumapang upang marinig nang mabuti ang kaniyang kanina'y sinisigaw. "Sa tingin n'yo ba ako'y magsisinungaling? Kayo na ang pumunta nang makita ninyo at nang kayo'y maniwala," pagalit nitong sabi at habang naroon sila nakukumpulan at pinalilibutan ang dagang-dagat ay nagulantang na lamang silang lahat sa narinig na mga putok ng baril at mga pampasabog. Naalarma na ang lahat. Nagkaniya-kaniyang mga takbo ang mga duwende. Mga nilalang na kasing-taas ng mga tao, may matutulis na pares na tainga, berde ang kulay ng mga balat at nakadamit ng mga tinahing balat ng hayop at pinatuyong dahon. Inipon nila ang mga maliit pa nilang mga kauri at hindi pa kayang lumaban. Tinago ang mga ito sa isang kuweba sa tabi ng isang sapa kasama ng kanila pang ibang mga kauri na mahihina na sa katandaan. Nanguha ang mga duwende ng kanilang mga armas. Ang mayroon lamang sila ay mga pana't sibat. Mabilis ang mga takbo at nagpabaging-baging sa mga puno upang mabilis na makarating sa lugar kung nasaan ang narinig nilang mga pagsabog. Lumusong na ang lahat ng mga sirena at pumunta sa parehong lugar. Sa bilis nila ay sila ang unang nakarating at nagulantang na lamang sa nasaksihang tanawin. Ang mga dagang-dagat na umatake sa mga pirata ay nakahandusay na't mga duguan at ang ilan pa'y mukhang wala ng mga buhay na nakahiga sa buhangin. May naiwang mga butas sa buhangin ang mga bala ng kanyon na kanilang tinira sa mga ito, na sumira na rin sa bahay ng mga nilalang na nasa ilalim. Natanaw ng mga pirata ang mga sirena na nakalabas ang mga ulo sa tubig at sila naman ang pinuntirya. Mabilis silang lumangoy upang hindi matamaan ng bala. Ang maliliit na bangka ang kanilang inatake at pinagbabaligtad upang mahulog sa tubig ang mga sakay kasama na ang mga nakasakong mga kayamanang kanilang ninakaw sa isla. "Dalhin n'yo na sa barko ang mga iyan madali!" sigaw ni Skull sa kaniyang mga tauhan habang binabaril ang iba pang mga dagang-dagat na patakas na lamang sana upang iligtas ang mga sarili. Isang nakakabinging ungol ang mula sa himpapawid ang narinig ng lahat na sinagot ng isa pa na animo'y ang mga ito'y nag-uusap. Isang malakas na hangin ang humapas sa isang bangka at binugahan ng apoy. Nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat at takot nang may makitang dragon sa ganoong panahon. Hindi lang isa, kundi dalawa na magkaiba ang mga kulay. Ang dalawang dragon ay mga alaga ni Helena. Sa mismong kuweba kung saan ito namamahinga namamalagi ang mga ito. Sila ang huling pares sa kanilang uri kaya naman pinuprotektahan niya ang mga ito ng lubos gaya ng pagprotekta niya sa iba pang mga nilalang na naroon. Walang kaalam-alam ang diwata sa nangyayari sa labas pagkat sa loob ng brilyanteng puno kung saan siya naroroon ay walang ingay na maririnig bukod sa mahinang pagbagsak ng tubig mula sa isang talon. Pinaatras na ni Skull ang kan'yang mga tauhan. Binabaril nila anumang makita nila at pinapatamaan ng kanyon ang dalawang dragon na pinapaikut-ikutan sila. Mga walang pakialam ang mga pirata kung saan babagsak ang mga bala at kung tatama ba o hindi na karamihan ay sa ibat-ibang parte ng isla bumabagsak, sumasabog at nag-uumpisa ng sunog. Ang mga duwendeng malapit na sa pampang ay natatamaan. Napakarami ring mga ligaw na bala na sa mga duwende tumatama. Ang mga nauna sa pampang ay pinatamaan ng pana ang mga piratang gusto nang tumakas at dahil abala sa dalawang dragon ay hindi nila napansin ang mga palaso na bumaon sa kanilang mga katawan. Ilan sa kanilang bilang ay natamaan at nahulog na lamang sa tubig. Pinabayaan na sila ni Skull ay ng iba pa dahil mas inuna nila ang kanilang mga sarili. Habang ang iba ay sa dragon ang atensyon, ang ibang pirata ay sa mga duwendeng pinapana sila napabaling. Baril kung baril. Tatama kung tatama. Nakasampa na sa barko si Skull. Tinakbo niya ang isang nilang kanyon at pinalagyan ng bala. Siya ang nagtutok sa isa sa mga dragon na nasa himpapawid at pinasindihan ang mitsa. Puntirya niya ang babaeng dragon ngunit hinarang iyon ng pares nitong si Kino. Sapul ito sa tagiliran at lubos na nasaktan. Hindi na nito nagawang ipagaspas ang pakpak. Tila ba bumaon ang bala sa kaniyang matigas na balat. Mula sa ere ay mabilis siyang bumagsak sa tubig. Hinablot ni Skull ang baril na hawak ng lalaking nasa kan'yang tabi at inubos ang bala sa tubig, hindi alintana ang paggewang ng barko at sige lang sa pagbaril sa dragon na nasa tubig. Isang malakas na sigaw ang bumingi sa kanila mula kay Kira, ang babaeng dragon. Mabilis siyang lumipad papunta sa tubig at lumusong upang sagipin ang kapareha. Maging ang mga sirena ay lumangoy rin pailalim upang tulungan ang dragon bago ito malunod. Kahit sugatan ang karamihan sa kanila dahil sa mga tama ng bala ay buong lakas nilang pinagtulungang iaangat ang dragon panahon sa tubig. Sinalubong na sila ni Kira at mabilis na lumangon habang nakakapit ang mga paa sa nawalan ng malay na isa pang dragon at sa kanilang pag-ahon ay sinalubong naman sila ng mga putok ng kanyon. Tinamaan sa pakpak ang babaeng dragon at napaungol siya sa sakit. Hindi niya magawang makalipad ng mataas dala nang nasaktang pakpak at sa bigat ng kaniyang bitbit. Mula sa himpapawid ay binitawan niya si Kino. Bumagsak ang katawan ng lalaking dragon sa buhangin. Si Kira nama'y hindi na niya kinaya pang ipagaspas ang mga pakpak kaya ang nangyariy nabanga siya sa puno ng niyog at bumagsak na rin sa buhangin. Napaungol ito sa sakit ngunit pinilit pa rin niyang makabangon. Bumuga ng apoy at pinaliyab ang pampang upang hindi na nila makita at malapitan ang ibang mga nilalang. Natumba siya sa buhangin ulit. Hinang-hina at maraming tama ng bala ang kaniyang balat. Sa tagal na panahon na mapayapa lamang ang buhay nila roon ay parang nakalimutan na nilang dalawang makipaglaban na gawain nila noong unang panahon. Nilapitan silang dalawa ng mga duwende. Tinignan agad ang mga sugat nila at naghanap ng mga halamang gamot upang pigilan ang pagdurugo. Si Kino ay pahina nang pahina ang t***k ng puso na ramdam ni Kira habang nakatingin sa kaniyang kapareha. Tumakas na ang mga pirata dala ang mga nanakaw nila. Hindi na sila hinabol ng mga sirena sa takot na baka patayin lang sila ng mga ito dahil wala naman silang laban sa mga kanyon at baril. Ginawa na nila ang lahat ng kanilang magagawa upang gamutin ang dalawang dragon ngunit huli na. Dala na rin ng edad ng mga ito ay mahihina ang mga katawan at ang matitigas na kalislis noon ay naglamat na't naglagas. Ang isa pang problemang kanilang nilutas ay ang nagliliyab na mga parte ng isla. Higit sa kalahati na sa mga puno't halaman ang naabo na. Tiniyak nilang di makakapasok ang apoy sa kuweba kaya doon sila nagsimulang mag-apula. Papasikat na ang araw, gigising na ang diwata. Sa kaniyang paglabas sa loob ng brilyanteng puno ay nagtaka siya kung bakit wala ni isang bulaklak o prutas man lamang ang naroon. Naamoy niya ang nasusunog dahil sa usok na pumasok sa loob. Dali-dali siyang lumabas upang tignan at nagulantang sa paligid at sa nag-aalab na apoy. Pinagtulungan ng iba't-ibang mga nilalang ang pagpatay sa apoy na isang pitik lang ng kamay ng diwata ay wala na agad iyon. Pinaulan niya nang malakas at habang nakatayo't nanlulumo habang pinagmamasdan ang paligid ay napatakbo siyang hinanap ang iba niyang mga alaga't kaibigan. Tinanong niya ang isang duwende kung anong nangyari at kung nasaan ang dalawang dragon. Hindi ito sumagot bagkus ay sinamahan niya na lamang ang diwata sa may dalampasigan. Natutop niya ang bibig sa mas kalunus-lunos na paligid. Nakahiga sa buhangin ang dalawang dragon na nag-aagaw-buhay. Patakbo niyang nilapitan ang dalawa, kinapa't pinakinggan ang pagtibok ng kanilang mga puso. Sinubukan niyang gamutin ngunit napakaraming mga sugat ng mga ito at baling mga buto. Sinubukan niya ilang ulit ngunit huli na ang lahat. Unang nawalan ng buhay si Kino, sumunod si Kira. Nakita ni Helena ang pagpatak ng luha sa mga mata ng dalawa at sa pagpikit ni Kira ay may iniwan siya sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD