Chapter 14

1846 Words
Isang malaking bulto ng katawan ang sabay-sabay na nakita nina Rekker at ng kaniyang mga kasama mula sa madilim na parte ng isla. Napaatras ang ilan sa kanila na walang dalang armas habang ang sampung may hawak na baril ay humakbang naman paabante habang nakatutok ang kanilang mga armas sa nilalang. “Sandali!” sigaw ni Merrick at lumabas mula sa pagkakakubli sa dilim. Nang matamaan ng liwanag na nanggagaling sa buwan at makitang isa pala siyang tao ay nakahinga nang maluwag ang karamihan sa kanila ngunit hindi pa lahat ay nakampante. Nanatiling nakatutok ang baril sa direksyon ni Merrick habang dahan-dahan siyang lumalakad palapit sa kanila. "D’yan ka lang! Sino ka?" malakas na tanong ni Rekker sa kaniya. Huminto siya at hindi na humakbang gaya ng sinabi sa kaniya. Bahagya siyang napangisi dahil siya nga dapat ang magtanong niyon sa kanila ngunit naalala niyang balak niya nga palang magpanggap kaya agad din nabura ang ngisi sa kaniyang mga labi. Gayunpaman, nanatili ang nagising na galit sa kaniyang dibdib para sa mga lapastangang mga tao na naglakas-loob na pumasok sa kanilang tahanan upang sila ay muling pagnakawan. "Sandali lang! Hindi ako kalaban. Ako si Merrick! Isa akong kaibigan! Nais kong humingi ng tulong ninyo! Matagal na ‘kong narito sa isla at hindi ako makaalis dahil nakulong ako rito!" pasigaw niyang sagot upang marinig nila dahil malayo ang kanilang distansya. Nagtaka ang mga naroon sa mga sinabi niya lalo na si Rekker na nabasa sa talaan na may mga kakaibang nilalang na naninirahan na inatake ang ang grupo ng kaniyang ama. Isang tanong sa kaniyang isip ang pagkatao ng lalaking sumulpot na lamang. Hindi niya maisip kung paano nakulong ang lalaki sa isla at paanong buhay pa. Napaniwala ang iba, ngunit ang mga sundalong hinasa sa pagbasa ng mga tao at hindi siya agad naniwala. "Kung ganoon! Itaas mo ang dalawang kamay mo sa ere!" utos ng isang kawal na nasa harapan ng kanilang hanay. Nagsalubong ang kilay ni Merrick sa utos nito. Hindi niya alam kung para saan ang gagawin niyang iyon ngunit kaniya nang sinunod upang hindi siya pagdudahan. Unti-unti niyang tinaas ang kaniyang magkabilang kamay habang nakikiramdam sa anumang maling kilos ng sinuman sa kanila. Narinig niyang may bumulong, "Tapusin n'yo na ang isang 'yan," Si Rekker ang nagsabi. May mga umangal dahil tao rin iyon at nanghihingi sa kanila ng tulong. Isa roon si Lucas na nagitla sa utos ng kaniyang kaibigan. "Sige, maiwan lahat ng tututol sa inyo at isasama naman namin ang lalaking ito pabalik," ani Rekker sa kanila at mabilis naman nilang binawi ang kanilang mga sinabi. Nakikinig si Merrick sa maikling pagtatalong iyon. Nakahanda na rin siya. Narinig niya ang pagkalabit ng mga lalaki sa gatilyo ng mga baril nilang hawak. Pinaputukan nila si Merrick ngunit bigla na lamang itong naglaho na parang bula. Nadinig ang ingay na nilikha ng mga baril na iyon sa sentro. Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw na galing mula sa silangang bahagi ng isla. Lahat ng mga nilalang na iniwan ni Merrick sa sentro ay natigilan sa kani-kanilang mga ginagawa. Marami ang napasigaw sa takot. May napatakbo at nagkubli habang ang iba naman ay napayuko at dumapa na lamang sa lupa. Ang dagang-dagat na nasa ilalim nila at kasama ang dalawang anak ay takot na takot na rin. Naghukay siyang muli upang ilayo ang mga anak niya dahil ang mga bala ay maaring bumaon sa lupa at baka matamaan ang sila. “Saan na ang lalaking ‘yon?” tanong ni Rekker sa kaniyang mga kasama. Naalarma sila sa biglang paglalaho nito at ni wala ni isa sa kanila ang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Natakot ang mga walang armas. Ang mga sundalong nagulat nang nawala si Merrick ay palinga-linga sa paligid at hinahanap ang lalaki. Baka biglang lumabas muli sa kung saan at atakihin sila. Nakahanda na ang mga baril. Nakaharap pa rin sila sa direksyon kung saan huling namataan si Merrick ngunit lumabas ito sa kanilang likuran. Isang malakas na hangin ang humampas sa kanila nang ipagaspas ni Merrick ang mga malalaking pakpak niya. Sinabayan niya ng malakas na ungol. Humarap silang sa kung saan narinig ang malakas na ingay na nilikha niya. Pinaputukan nila siya. Inubos ang tirang bala at nagkargang muli ng bala. Hindi tinigilan ito. Si Merrick na natatamaan ng ilan sa mga bala ay nagulat dahil hindi bumabaon sa kaniyang makapal na kaliskis ang bala ng kaniyang mga baril. Kiliti lang ang naibibigay niyon sa kaniya at dahil doon ay naisip niyang lumipad sa taas nila at makipaglaro. Iyon nga ang ginawa niya. Lumipad siya sa ulunan nila habang binabaril siya ng mga ito. Lumapag siya sa buhangin at muli silang hinarap. "Aalis na po kami, ayaw po namin mamatay rito." wika ng takot na takot na lalaki. "Oo nga, ang sabi mo'y walang panganib rito at malayang makukuha ang mga pakay natin nguniy bakit ganito?" tanong naman ng isang takot na takot rin sa nilalang na nagpakita sa kanila. "Oo nga, sinabi kong walang panganib. Alam kong wala ng dragon na narito dahil nang marating ng aking ama ang lugar na ito ay napaslang na nila ang dalawa," paliwanag ni Rekker na nangangatog na ang tuhod ngunit ayaw niya lang ipahalata sa kanila. "Mabuti pa umalis na tayo rito Rekker. Mapapahamak lang tayo!" yaya ni Lucas sa kaniyang kaibigan. "Hindi, ayokong umalis. Isa lang 'yan marami tayo. Kunin ninyo ang mga pampasabog at sabihan ang mga nasa barko na patamaan ang dragon ng mga kanyon natin. Madali!" matapang na utos ni Rekker sa kanila. Kitang-kita ang pagdadalawang isip sa mukha ni Lucas sa nais ni Rekker na mangyari. Hindi uubra ang plano niya dahil ang kaliskis ni Merrick ay triple ang kapal sa normal na kaliskis ng dragon. Ang asulan at may halong berdeng kulay nila na kumikinang kapag tinatamaan ng liwanag ng bilog na bilog na buwan ay kumikislap na parang brilyante na naglalabas ng iba't-ibang mga kulay. Ang pakpak niya naman ay hindi basta-basta kayang mabutas ng kahit anong bala, patalim o kahit ang kanyon na nais nilang gamitin sa kanila. Bukod sa makapal ay naging makunat ito na parang goma. Sumama si Lucas sa mga bumalik sa barko. Ayaw niyang samahan si Rekker dahil para sa kaniya ay pagpapakamatay iyon. Alam niya ang kakayahan ng dragon na magbuga ng apoy. Isang buga lamang nito sa kanila ay tiyak na masusunog at maaabo sila. Bigla tuloy siyang nagsisi sa pagsama sa paglalayag nito. Ang sabi niya'y wala naman daw malalaking nilalang na aasahan nila na haharang sa kanila ngunit ano itong dragon na ito. Si Merrick na hindi kalayuan sa kanila ay pinanood ang umaalis. Narinig niya ang sinabi ni Rekker na pinaslang ng ama nito ang dalawang dragon noon na narito. Ang ama't ina niya lamang naman ang dragon na naritong nabubuhay noon at wala ng iba pa. Ang galit na nagising ay nadagdagan. Matalim niyang tinignan si Rekker at sa galit niya ay literal na lumabas sa butas ng magkabilang ilong niya ang usok. Hindi niya sigurado kung kaya niyang bumuga ng apoy gaya ng mga ninuno niya. Hindi niya pa kasi nasusubukan gawin iyon sa tanang buhay niya. Wala siyang ideya kung may ritwal o tamang paraan para makapagbuga ng apoy. Nakabalik na sa barko ang mga umalis. Akala ni Merrick ay aalis na siya at iiwan ang mga kasamang nagpaiwan sa pampang. Iyon kasi ang narinig niya kanina. Gusto na raw umalis ng iba at hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ng lalaki na kanyon. Pinatamaan siya ng mga nasa barko gamit kanyon nila roon. Hindi siya tinamaan. Dumaan lang sa parteng balikat niya at ang tinamaan na puno ng niyog na nasa bandang likuran niya ay nahati sa dalawa at may pagsabog pa pagkatapos niyon. Apoy na ang kasunod. Mas lalo siyang nagalit sa kanila. Lumipad siya upang sugurin ang barko. Masusunog ang isla kung magpapatuloy ang paglipad ng mga bala ng kanyon sa direksyon niya kaya siya na lang ang lalapit. Naalarma naman ang mga sakay ng barko at mabilis na itinutok sa kaniya ang dalawang kanyon na gamit nila. Pinatamaan siya ngunit nagawa niyang makailag. Sa tubig ang bagsak ng bala at ang mga sirena at mga isda na naroon sa ilalim naman ang mga nabulabog. Nakarating na sa lugar ang mga duwende na may mga dalang sibat. Nagtago sila sa likod ng mga bato at naghihintay ng tiyempo upang matulungan si Merrick. Maging ang mga sirena na nasa tubig at nakausli ang lamang ang mga ulo sa tubig ay ganoon din ang inaabangan, tamang oras upang saklolohan ito ngunit ang bilin ng diwata ay tulungan lamang siya kapag hindi nito kaya ang mga kalaban niya. Sa nakikita naman nila ay lamang ito sa kanila. Walang silbi ang mga baril at kanyon na dala nila. Muling pinatamaan ng kanyon si Merrick. Nadaplisan ang pakpak niya. May napansin siyang labis niyang ikinagulat sa nangyari. Nakaisip siya baka dahil daplis lang kaya ganoon. Pinuntirya niya ang layag ng barko. Sinira niya iyon at tiniyak na wasak. Sa posisyon niyang iyon ay hindi siya maaabot ng kanyon kaya baril ang ginamit ng mga sakay. Nabali ang mahabang kahoy na nasa gitna ng barko maging ang dalawa pang nasa bandang harap at likod sa ginawa niyang iyon. Muli siyang lumipad sa gilid ng barko upang ang parte namang iyon ang kaniyang siraan. Hindi niya inasahan na may kanyon pa palang sasalubong sa kaniya roon. Nakatutok sa mukha niya mismo at natamaan siya sa mukha. Dala ng pwersa niyon ay tumilapon siya sa tubig. Naramdaman niya ang pagsakit sa parteng tinamaan at bahagya siyang nahilo. Gulat na gulat ang mga sirena at mga duwende at akmang lalabas na sana upang saklolohan siya nang bigla naman itong lumipad paitaas. Isang napakalakas na ungol ang pinakawalanan niya. Napasigaw sa sakit na nakuha niya sa tirang iyon. Mabilis ang lipad niya at nagpatuyo ng sarili sa ganoong paraan. Sinubukan niyang bumuga ng apoy nang nasa ere siya ngunit walang lumalabas mula sa kaniyang bunganga. "Mali ba 'to? Paano ba?" di maiwasang itanong ni Merrick sa sarili. Habang wala siya ay inutusan naman ni Rekker ang mga kasama niyang lagyan na ang mga dala nilang sako at punuin ang mga ito. "Mukhang kayamanan nga talaga ang ipinunta ng mga ito rito," wika ng duwendeng pinapanood lamang sila. "Mga tao talaga gan'yan. Mas mahalaga ang salapi sa kanila at yaman kesa sa mga buhay," usal naman ng isa. Sinang-ayunan ng lahat iyon. "Dapat na ba natin silang itaboy?" tanong ng unang nagsalita. "Huwag na, hayaan na natin. Hintayin natin si Merrick. Ang isa sa kanila ay may mabigat na kasalanan sa kaniya na kailangan niyang pagbayaran," pigil ng isang babaeng duwende na naroon din at may sibat ding hawak. May babae palang sumama sa kanila hindi man lang nila napansin kanina. Sabay-sabay silang napatingin sa lalaking tinutukoy nito. Pinagmasdan ang binatang parang hibang habang namumulot ng mga gintong naroon. Tuwang-tuwa ito at nagawa pang tumawa. "Mas mayaman na 'ko sa'yo Amaaa!" Nadinig pa nilang sigaw nito habang yakap ng binata ang isang kopitang ginto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD