Lilith's Point of View Pasado ala singko na at nagsiuwian na karamihan sa mga empleyado. Hinihintay ko na lamang si Mav matapos sa ginagawa niya dahil sasabay ulit ako sa kaniya pauwi naman ngayon. Mabuting mauna na ang iba sa pag-uwi upang hindi kami makita magkasama ulit ni Mav. Alam ninyo naman ang mga isip ng tao, may makita lang magkasamang babae at lalaki iisipin agad nilang may relasyon. May nakaangkas lang sa motor at kotse, may relasyon. Sabay naglalakad, may relasyon. Ewan ko ba sa mga tao, puwede naman nilang sahihin o isipin na magkaibigan ang nakita nila o baka magpinsan kaya magkasama at nagkataon lang na sinabay at nagkasabay. Sa totoo lang nakakairita mga ganito tao. Lalo na kung ipaparating pa nila sa iba ang maling balita. Ilang beses na akong lumingon kay Mav ngunit

