Buong maghapon na naroon sa bahay ng mga Jha si Lilith. Ayaw siyang pauwiin ni Janina dahil wala raw siyang matinong kalaro na babae. Abala kasi ang Mama niya at ang Kuya't Papa niya lang ang puwede niyang makalaro. Ang gusto lang namang laruin ng dalawa ay PlayStation at Xbox, kapag nagyaya siya ng mga larong pambabae ay ayaw ng mga ito't nagdadahilan na may gagawin na sila. Kaya si Lilith ang pinagdiskitahan niya. Naglaro sila ng mga manika, nag-tea party at lutuan gamit ang kitchen set ni Janina na kumpleto sa mga kagamitan. Hindi plastik ang mga iyon, stainless. Maliliit lang nga kumpara sa tunay na ginagamit. Cute naman. Alas kuwatro ng hapon nang magpaalam siyang uuwi muna dahil maglalaba muna siya. Kaunti lang naman ang mga iyon ngunit ayaw niyang ipaabot pa sa susunod na Linggo

