Lilith's Point of View Nakakagulat ang daming kalat sa opisina ni Mav. Wala na sigurong panahon para mag-ayos ng gamit niya. Naisip kong mag-ayos muna at siguruhing hindi siya mahihilo kakahanap ng mga gamit niya kapag kailangan niya na. Nag-umpisa muna ako sa office table niya. Pinagsama-sama ko ang mga files na nakasara at tinignan kung may pirma na ang mga iyon at wala. Pinagsama-sama ko ang wala pa at meron na para hindi siya maghalungkat mamaya. Nakakita ako ng sticky notes at nilagyan ng note ang may pirma na signed. Pati mga ballpen sa lamesa ay nagkalat kasama ng mga lapis. Sinubukan kong buksan ang drawer ng lamesa at nabuksan naman ito ngunit nagulat ako na mas magulo ang nasa loob sa dami ng mga office supplies gaya ng bond paper, mga clips, folders, mga bala ng staplers na p

