Nakarating sila sa palengke dalawa sa gabay na rin ni Lilith. Ilang taon lang naman siyang nawala. Alam niya pa rin ang mga pasikut-sikot sa probinsiya nila. Kahit ang mga looban at sitio ay alam niya parin. Kaya hindi sila maliligaw dalawa. Mas lumawang na ang mga kalsada kumpara noon, wala na ang mga tindahan sa harap ng kanilang Publick Market at malinis din at halos wala siyang makitang kalat sa daan. Pagbaba pa lamang ni Maverick sa sasakyan ay dumiretso na siya sa tindahan ng prutas na una niyang natanaw. Sinundan siya ni Lilith at tinanong kung anong bibilhin niya roon. "Bibili akong groceries dito, kita mo ba?" pamimilosopo niya sa dalaga. Sinamaan siya ng tingin nito agad dahil doon at tumawa lang ang binata sa reakyon niyang iyon. "Loko," sambit ni Lilith at inirapan ito. "M

