CHAPTER 13: SIMON'S GF

1844 Words

“Catherine, sino ba yung kasama mong lalaki? Bakit hindi mo pinapasok?” Bungad na tanong ng nanay ni Catherine pagkapasok niya sa gate. “Oh, nay. Kanina ka pa po ba diyan?” Nagulat si Catherine dahil nakatayo lang pala doon ang nanay niya. “Oo, gabi na kasi eh di ka man lang nagti-text. Mabuti wala pa ang mga kuya mo.” “Ah, buti na lang, naunahan ko sila!” Tuwang tuwang sabi ni Catherine. “E huwag mong ibahin ang usapan. Sino ba kako ang lalaking iyon? Manliligaw mo ba?” “Ho? Hindi ho! Si Simon po yun, nay, bagong kaibigan.” “Kung hindi manliligaw e bakit hinahatid ka pa?” “Ah, pinsan po kasi ni Grace yun, nay. Parang kapatid ko na lang din yun, tulad ni Grace. Hindi po ako hinahatid nun. Sumabay lang po sa pag-uwi.” “Hmm..” Hindi na pinahaba ng nanay niya ang usapan. Pero m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD