Napansin ni Simon ang reaksyon ni Catherine sa mga nakita sa paligid. Tinukso niya ito. “Ano, Cath, naiinggit ka ba? Gawin na din ba natin?” Sinabayan niya ito ng mahinang pagtawa. “Baka gusto mong makipaghalikan dito?” Itinaas ni Catherine ang kamao niya at tinapat sa mukha ni Simon. “Eto naman, hindi na mabiro. Pero kaya ko ding halikan yang kamao mo kung gusto mo.” Hinawakan nito ang kamao ni Catherine at mabilis na inilapit sa bibig niya. Idinikit lang niya ang labi niya, hindi naman siya aktong humalik. Pero nagulat pa din si Catherine sa ginawa niya at hindi agad nakaimik. Ilang segundo muna bago nabawi ni Catherine ang kamao niya. “’Tol, loko ka, ah.” Tawa nang tawa si Simon kay Catherine. Lalo nang mahalata ni Simon na kahit padilim na ay kitang kita pa ding namulang par