Lumalalim na ang paghinga ni Catherine. Pakiramdam niya ay nasa alapaap na siya nang biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya. Natigilan si Catherine. Kumalas siya kay Grace at mabilis na napaupo. Pagkakuha sa cellphone ay nakita niya na may text ang kuya niya at hinahanap na siya. Mabilis na inayos ni Catherine ang sarili niya at lumabas ng kuwarto. Nang huling lingon niya ay nakita pa niyang tulog na tulog si Grace. Dumaan siya sa veranda at nakita si Simon na nakahiga doon. Mukhang tulog na rin. Nilapitan siya ni Catherine. Naupo si Catherine sa harap ni Simon, nakatapat sa mukha nito. Tinitigan niya ang mukha ni Simon. Hmm...mukhang tulog na tulog na ah. Huwag ko na kayang gisingin. Uuwi na lang akong mag-isa. Itinapat pa ni Catherine ang isang kamay niya sa tapat ng mukha n