Dahil sa sobrang kasiyahan nila ay nagyaya si Simon na uminom muna sila habang maaga pa. Hindi naman tumanggi ang dalawa. Agad na lumabas si Simon at bumili ng isang case na San Mig light. Pag balik niya ay gulat na gulat ang dalawa. “Cuz! Ang dami naman niyan, tatatlo lang naman tayo.” “Hindi naman natin kailangang ubusin, Grace. Naisip ko lang na mas ok na iyong may stock tayo, kasi minsan kapag nag-iisa ako dito, gusto ko ding uminom ng beer.” Paliwanag ni Simon. Hindi na pumalag si Grace. Si Catherine naman ay mabilis na kumilos para ayusin ang yelo na dala din ni Simon. Kumuha siya ng lalagyan ng yelo sa loob, tatlong baso, at pambukas ng bote. Habang nasa loob si Catherine ng bahay ay nagtanong si Grace kay Simon. “Oy, cuz, sigurado ka bang wala kang balak diyan kay Cath? Muk