CHAPTER 7: TAXI RIDE

1709 Words
Nang magkita-kita na silang lahat, nagyaya si Ivy na pumunta sila sa bahay ni Jerry, ang boyfriend niya. Birthday daw kasi nito. Malapit lang sa school ang bahay kaya pumayag na silang lahat para sa libreng tanghalian. Nasa gate pa lang sila ay sumisigaw na si Ivy. “Babe! Babe! Andito na ‘ko!” Pakendeng kendeng pa itong pumasok sa loob ng bahay. Sinalubong na siya ni Jerry sa pintuan. Gulat na gulat sina Catherine at lahat ng mga kasama niya nang bigla na lang naghalikan ang dalawa sa harapan nila. Hindi isang simpleng halik sa pisngi. Hindi din isang simpleng smack lang sa labi. As in torrid! Kitang kita ni Catherine na naglaplapan ng mga labi ang dalawa at nag-espadahan ang mga dila. Sa tipo ng halikan ng dalawa, duda ni Catherine ay mahigit pa sa paghahalikan ang nagagawa ng dalawa. Hmm..tingin ko mananalo na ako sa pustahan namin nitong amboy na ‘to. Nilingon niya si Simon. Ang amboy ay short for american boy. Si Simon naman ay napapangiti at napapailing habang pinapanood sina Ivy at boyfriend nito. Inikot ni Catherine ang tingin niya. Nakatayo sa tabi niya sina Melanie at Grace, kapwa nakatulala din at parang mga napako sa kinatatayuan. Nang magkalas ang dalawa sa paghahalikan, saka lang sila napansin ni Jerry. “Oh, andito pala kayo!” Gulat na sabi nito. “Happy birthday!” Sabay sabay nilang bati kay Jerry. “Halikayo, pasok kayo. Tuloy kayo.” Tumabi si Jerry at pinadaan silang lahat papasok sa bahay. Buffet ang style ng serving. Kani-kaniyang kuha ng pagkain sa nakahain sa lamesa. Habang kumukuha ng pagkain sina Catherine, napatabi siya kay Simon. Bumulong si Catherine dito. “Tol, mukhang mananalo ako.” Sinabayan pa nito ng matamis na ngiti. “Matagal pa...may limang buwan pa.” Bulong naman ni Simon pabalik kay Catherine. Dinala nila ang pagkain nila sa isang lamesang nakalatag sa may bandang garden. Malawak ang bakuran nina Jerry sa likod. Doon sila naglatag ng mga lamesa. May iba na palang mga bisita na nakapwesto na doon. Nang maupo na sila, saka nagtanong si Ivy kina Grace. “Grace, nasaan na nga pala si Michael?” Ang tinutukoy ni Ivy ay ang ka-MU ni Grace na kasama nito nung magcelebrate sila ng graduation. “Ah, yun ba. Wala iyon, hindi pa naman kami. Nanliligaw pa lang iyon.” Nahihiyang sagot ni Grace. Wow ha. Nanliligaw pa lang iyon pero kung makalingkis sa kaniya grabe. Sa loob loob naman ni Catherine ay naiinis siya kay Grace. Gusto niya itong batukan. “Akala ko nobyo mo na Grace!” Manghang sabi naman ni Melanie. “Well, akala ko din kami na eh. Pero sabi niya, basta mag-date daw kami. Kahit hindi daw niya ako girlfriend, ako lang daw ang babaeng isasama niya sa date.” “Naku, naniwala ka naman?” Hindi napigil ni Catherine na magtanong. “Mukhang wala naman siyang masamang intensyon, Cath. Alam ko ako lang ang dini-date niya. Baka lang hindi pa siya handa na magkaroon ng girlfriend.” “Cuz, mas maganda kung malinaw ang usapan. Kung kayo, e di kayo. Kung hindi, e di stop dating. Find another man.” Singit naman ni Simon. “Huh?” Nagtaka si Catherine sa advice ni Simon. Find another man talaga? Hindi ba pwedeng andito naman kaming mga kaibigan niya? Napakunot ang noo ni Catherine. Napansin naman iyon ni Simon at hinarap si Catherine. “Why, Cath? May mali ba sa sinabi ko?” “Well...siguro nga tama ka na kailangan malinaw ang label. Kung sila, e di sila. Pero Grace, kung hindi naman kayo, e di stop dating. Kasi baka ikaw lang ang masaktan.” Napayuko si Grace. Tahimik na nagsalita. “Ang totoo, parang mahal ko na nga si Michael.” “Whaaat?” Sabay sabay na napatanong ang lahat. “Naku, naku, usapang pag-ibig ba yan? Eto ang beer oh, inom lang kayo.” Lumapit na pala si Jerry sa kanila na may dala-dalang mga bote ng ice cold San Mig Light. Pagkalapag ng mga bote, mabilis na kumuha sila ng tag-iisa at tumungga mula sa bote. Ang sarap talaga ng beer lalo kung malamig. Pero hindi ako pwedeng uminom, lagot ako kina kuya, hindi ako nagpaalam. Napansin ni Simon na masayang nagkukuwentuhan lahat pero biglang tumahimik si Catherine. Bumulong siya dito, dahil magkatabi lang sila ng upuan. “Cath, okay ka lang ba?” “Ha? Ah eh...hindi kasi ako nagpaalam sa bahay. Baka mapagalitan ako nina kuya.” “Maiintindihan naman siguro nila, birthday naman kamo ng kaibigan mo.” “Naku hindi ganoon ang mga kuya ko. Sobrang higpit nila.” Narinig ni Grace ang pinag-uusapan nina Simon at Catherine. Sumingit siya sa usapan ng dalawa. “Naku cuz, napaka-sungit talaga ng mga kuya ni Cath. Pag nakilala mo sila, baka pati ikaw e kilatisin din nila nang husto. Walang basta basta nakakalapit diyan kay Cath, no.” Nahiya si Catherine bago sumagot. “Hindi naman siguro Grace.” “Kung nag-aalala ka, halika na, ihatid na kita.”  Yaya ni Simon at akmang tatayo na. Biglang hinawakan ni Catherine sa braso si Simon para pigilang tumayo. “Huwag! Huwag muna, ano ka ba naman. Nakakahiya kay Jerry, kakakain lang natin. Baka sabihin nag eat and run tayo.” “Okay sige, isang bote pa tapos magpapa-alam na tayong tatlo ni Grace.” Sang-ayon naman ni Simon. Tumango na din si Catherine at inubos ang laman ng hawak niyang bote. Mabilis na nagpalit ng mga bote si Jerry. Muling nagsipagkuha sila ng tag-iisang bote. Mayamaya ay may dumating at bumati sa kanila. “Hi! Andito din pala kayo!” Sabay sabay silang lumingon at nanlaki ang mga mata nila. Si Michael ang dumating at agad na humatak ng upuan at tumabi kay Grace. Napansin nila na namula agad ang pisngi ni Grace. “Hi Michael!” Bati ni Ivy. Sunod sunod nang nagbatian ang iba. “Halika kumain ka muna, Michael!” Niyaya siya ni Jerry papunta sa buffet. Paubos na uli ang hawak na bote ni Catherine. Tingin niya ay napabilis ang inom niya. Hindi maintindihan ni Catherine ang pakiramdam niya pagkakita kay Michael. Parang gusto niya itong kumprontahin dahil sa no-label relationship nila ni Grace. Si Jerry naman ay sumenyas sa isang kasama nila sa bahay at nagpahatid ng ilang bote ng beer sa lamesa nila. Pagkalapag ng mga bote ay mabilis uling dumampot ng isa si Catherine. Habang tumutungga ay naningkit na ang mga mata niya na nakatingin kina Michael at Grace habang malambing na nagkukuwentuhan. Tahimik lang na uminom si Catherine habang kunyari ay nakikinig sa kuwentuhan nina Ivy at Melanie. Napansin naman ni Simon ang mga ikinikilos ni Catherine. Tingin niya ay tinamaan na agad ito ng espiritu ng alak kaya bumulong siya dito. “Last mo na yan, ihahatid na kita.” “Hindi na, tol. Kaya ko na ang sarili ko.” Pagkabulong ni Catherine ay saktong nakatanggap siya ng text. Nang tignan ni Catherine ang cellphone, nagulat siya at nag-alala. Hinahanap na siya ng kuya niya. Napatingin sa paligid si Catherine at saka lang napansin na madilim na pala sa labas. “Naku! Gabi na pala!” Napatakip siya sa bibig niya at nagpaalam kay Jerry. “Jerry, mauuna na ako ha, hinahanap na kasi ako sa amin. Lagot ako sa kuya ko.” Paalam ni Catherine. “Ah ganun ba...o nga pala, strict nga pala ang parents mo.” Pagbibiro ni Jerry at nagtawanan na lang sila. “Pasensiya ka na ha, uuwi na ako talaga.” Pagkasabi nito ay tumayo na si Catherine. Pero bigla siyang nahilo at napaupo uli. Mabuti at alerto si Simon, mabilis nitong nahawakan sa braso si Catherine at pinaupo uli. “Hindi mo na kaya, Cath. Ihatid na lang kita.” “Huwag na, huwag na, kaya ko naman. Nabigla lang siguro ako ng tayo.” Pagkasabi nito ay tumayo si Catherine nang dahan dahan. Sa wakas ay nakatayo naman siya at hindi na tumumba uli. “O, pano, mauna na ako sa inyo ha. Thank you Jerry. Happy birthday uli.” “Salamat din sa pagpunta, Cath!” “O kayo...” Binalingan ni Catherine ang mga kasama. “Huwag masyadong maglalasing ha.” “Oo, Cath. Sige na, mag-ingat ka ha.” Sagot ni Melanie. “Ingat Cath!” Sabay sabay na sagot naman ng iba. Tumingin pa uli si Catherine kay Grace at ngumiti dito nang mapungay na ang mga mata. “Grace, text mo na lang ako ha.” Tumango lang si Grace at ngumiti sa kaniya. Tumalikod na si Catherine at lumakad papalayo. Bahagyang napasuray pa ang lakad niya dahil nahihilo na din talaga siya. Nang binubuksan na ni Catherine ang gate para makalabas, nahirapan siyang itulak ito. Tingin niya ay dahil may kalumaan na kaya siguro maganit. Hinigpitan niya ang hawak sa gate at bumuwelo para itulak ito. Pero nagulat na lang si Catherine nang may humawak din sa gate at nahawakan pa ang kamay niya na nakahawak sa gate. Bigla siyang napalingon at nakita niya na seryoso ang mukha ni Simon. Bumuwelo ito para itulak ang gate. Bumukas naman ito at sabay na napatawa ang dalawa. “Naku buti dumating ka. San ka punta?” Tanong ni Catherine kay Simon. “Ihahatid kita!” “Pero teka, teka, okay lang talaga ako. Paano uuwi si Grace kung iiwanan mo?” “Don’t worry about her. Ang isipin mo ikaw, nahihilo ka na.” Sabay hinawakan na ni Simon si Catherine at inalalayan sa braso. Lumakad na si Catherine at walang nagawa. Napansin din kasi niya na medyo hindi na din deretso ang lakad niya. Nang makasakay sila ng taxi, naupo sila sa backseat at agad na nakatulog si Catherine pag-upong pag-upo pa lang nila.  "Oops!" Nagulat si Simon dahil muntik nang tumumba paharap si Catherine. Hinatak niya ito sa balikat bago tuluyang mapasubsob. Inalalayan niya na mailagay ang ulo ni Catherine sa balikat niya. Inalalayan pa niya ang mukha nito para hindi masyadong maalog. Nanuot sa ilong ni Simon ang magkahalong amoy ng cologne ni Catherine at ng ininom nitong beer. Napapikit si Simon at idinikit ang ilong niya sa buhok ni Catherine. Nanatili silang ganoon habang bumabaybay ang taxi sa kahabaan ng hiway.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD