CHAPTER 4: CONFUSED

2227 Words
Matapos mananghalian ay saglit na nagpahinga sa veranda silang tatlo nina Catherine, Grace, at Simon. “Alam mo ba, Grace. Sana pala noon pa ako umuwi ng Pilipinas.” Bungad na kuwento ni Simon. “At bakit naman cuz?” Tanong ni Grace sa pinsan niya. “Kasi ang dami palang maganda dito.” Sabay sumulyap siya kay Catherine na noon ay nakaupo sa isang garden chair. Abala sa cellphone niya. “Naku, akala ko naman kung anong sasabihin mo.” Napaismid si Grace. “E tiyak na madami din namang maganda dun sa US di ba?” “Kaya nga.” Sumingit si Catherine sa usapan nila nang hindi inaangat ang ulo. Nangiti si Simon at hindi inalis ang tingin kay Catherine. “Pero iba ang ganda ng pinay.” Napansin naman iyon ni Grace at pinandilatan si Simon. Sumenyas ito na tigilan na si Catherine. Mabuti at hindi ito nakatingin sa kanila. Nakuha naman ni Simon ang ibig sabihin ni Grace kaya iniba na lang niya ang usapan. “Kung wala kayong lakad ngayon, ano kaya kung ipasyal niyo ‘ko? May malapit bang mall dito?” Tanong ni Simon sa kanila. Agad na sumagot si Grace. “Aba madami! Libre mo?” “Yun lang pala, oo naman libre ko kayo!” Biglang tumayo si Grace at hinatak si Catherine. “Tara Cath! Libre!” Nagulat si Cath pero napatayo din. “Saan tayo?” “Diyan sa North Mall para malapit lang.” “Teka, teka, magbibihis muna ako.” Sagot ni Cath. “Tara na, pahiramin na lang kita. Kasya naman sa ‘yo ang mga damit ko.” “Huh? Ah sige...para hindi na din ako makita nina kuya. Papaalam na naman kasi ako baka hindi na ako payagan.” “O sige na, magbihis na kayo, magbibihis na din ako.” Tumayo na si Simon at pumasok sa bahay. Sina Catherine at Grace naman ay pumasok na din at diretso sa kuwarto ni Grace. Nang buksan ni Grace ang cabinet nito ay napakaraming tshirt at jeans. Tingin ni Cath ay kasya sa kaniya kahit na ano doon. Halos magkasukat lang sila ni Grace at kahit sa taas ay halos magkasingtangkad din sila. Bagay na bagay talaga kami. Nasabi ni Catherine sa sarili. “Ito Cath, pwedeng pwede sa iyo!” Excited na hinablot ni Grace ang isang shirt na may print na famous cartoon character na malaking print sa harap. Sinamahan pa nito ng walking shorts. “Huh. Okay sige, pwedeng pwede na yan, Grace.” Inabot ni Cath ang mga damit. Walang kaabog-abog ay bigla na lang naghubad si Grace sa harapan niya. Mabilis nitong inangat ang suot na tshirt at pinadaan sa ulo. Kitang kita ni Cath ang pisngi ng mga dibdib ni Grace na halos lumuwa sa suot nitong pink na bra. Napalunok si Cath at pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya. Isinunod din agad ni Grace na hubarin ang shorts niya at tumambad din ang seksi nitong katawan na ang tanging suot na lang ay ternong bra at panty na parehong kulay pink. Napatulala si Cath. Manghang mangha sa kaseksihan ni Grace. “Huy, Cath! Bihis ka na!” Nagtaka naman si Grace sa tingin ni Catherine sa kaniya na mula ulo hanggang paa. Nagulat pa si Cath nang sigawan siya ni Grace. “Ha? Ah, oo...sige sige.” Tumalikod si Cath kay Grace at nagtanggal din ng shirt at shorts. Natawa naman si Grace. “Sus, tumalikod ka pa e tayo lang naman dito sa kuwarto.” Nilapitan siya ni Grace at tinapik ang tambok ng puwitan niya. Nagulat si Cath at napalingon kay Grace. Nakita niya na tawa nang tawa si Grace. “Pasensiya na, di ko matiis tapikin, ang tambok kasi. At ang sexy mo talaga Cath!” Pakiramdam ni Catherine ay naiwan pa sa puwitan niya ang mainit na kamay ni Grace nang tapikin siya nito. Gusto nang hawakan ni Catherine sa braso si Grace at hatakin ito palapit sa kaniya para yakapin at haplusin ang malulusog na dibdib nito na kanina pa niya pinanggigilan sa tingin. Pigil na pigil ni Catherine ang sarili niya. “Ano ka ba...sexy ka din naman. Nakakainis nga itong dibdib ko, ang lalaki.” Himutok na lang ni Cath kay Grace na noon ay nagbibihis na din. “Napaka-sexy mo. Para sa akin, perfect yang katawan mo Cath.” Balik sagot naman sa kaniya ni Grace. Nailang naman si Cath at binilisan na ang pagbibihis. Natawa na lang siya sa sinabi ni Grace. Hindi niya masabi na pangit ang dibdib niya dahil pambabae. Nang kapwa na sila nakabihis, sabay na silang lumabas sa kuwarto. Nasa labas na si Simon at naghihintay sa kanila. Napasipol ito pagkakita kay Catherine. Nakasuot pa din ito ng shorts na pang-alis at hapit na tshirt na pang-itaas na kitang kita ang kurbada ng katawan niya. Wala namang choice si Catherine dahil ganoon ang style ng mga damit ni Grace. “Wow...ang sexy naman ng mga ka-date ko.” Kumindat pa ito sa kanila. Umismid lang si Catherine at tuluyan nang lumabas ng pinto. Sumunod na sina Simon at Grace. Pagdating nila sa mall ay napakarami ng tao. Palibhasa ay bakasyon na kaya ang daming mga kabataan. Para hindi sila magkahiwalay ay hinawakan ni Grace ang kamay ni Catherine. “Lika Cath, hawakan mo ‘ko. Baka magkawalaan tayo ang laki pa naman ng mall na ‘to.” Hinayaan ni Cath na hawakan siya ni Grace sa kamay. Nakaramdam ng kuryente si Cath na dumaloy sa buong katawan niya na hindi niya maintindihan. Pero nagulat siya dahil bigla din siyang inakbayan ni Simon. Nakaramdam din ng kakaibang daloy ng kuryente sa katawan si Cath. Pati ang puso niya ay biglang kumabog. Mabilis niyang naipilig ang ulo niya at nilingon si Simon. “Alisin mo nga yang kamay mo. Baka sabihin ng mga tao nobyo kita.” “O e ano naman. Umaakbay lang naman ako para hindi tayo magkahiwa-hiwalay.” “Si Grace na lang ang akbayan mo.” Sinundan niya ito nang matalim na tingin. Napangiti si Simon at dahan dahang inalis ang kamay niya sa balikat ni Cath. Napangiwi ang mukha nito at natakot sa matatalim na tingin ni Catherine. “Sabi ko nga...kay Grace talaga ako aakbay, eh.” Lumipat si Simon sa tabi ni Grace at dito umakbay. Sa loob loob niya ay bigla naman atang sumungit si Cath. Ibang iba siya kagabi. Siguro kapag nakakainom mas sweet siya. “Tara, cuz, bilisan mo. May nakita akong sale doon oh, ayun oh!” Itinuro ni Grace ang tindahan ng mga damit.” Napalakad din nang mabilis sina Simon at Catherine para makahabol kay Grace. Pagdating sa loob ng boutique ay agad na kinuha ni Grace ang isang cotton dress na parang polo shirt ang style. Mahaba ito hanggang itaas ng tuhod. Isang pink at isang sky blue ang kinuha niya. “Cath! Eto oh, bagay na bagay sa ating dalawa!” Itinapat niya kay Cath ang pink na damit at sa kaniya naman ay ang blue. “Ha? Ah eh...parang hindi naman bagay sa akin.” Nailang naman si Cath dahil hindi siya sanay na mag-dress. “Tingin ko bagay nga sa inyo yan. Halika na, bilhin na natin. It’s on me!” May halong yabang naman ang tono ni Simon. “Yehey! Bilis Cath halika na sukatin natin!” Hinatak uli ni Grace sa kamay si Catherine at hinila papunta sa dressing room. Nagulat pa ito dahil pumasok din si Grace at napunta sila sa iisang dressing room lang. Pagkasara ni Grace sa pintuan ng dressing room, nailang si Catherine dahil maliit lang ito at sobrang lapit nila ni Grace. Natutulala siya. “Ano Cath, hubad na. Bilisan mo.” Nagsalita si Grace. Mabilis na nakabawi sa pagkatulala si Catherine. Naghubad na siya ng pang-itaas at nakita niya na naghubad din si Grace. Pinagpawisan si Cath dahil sa sobrang lapit na halos magdikit na ang mga dibdib nila. Hindi kalakihan ang dressing room at sakto lang para sa dalawang tao. Isang dipa lang ang lawak nito. Hindi malaman ni Catherine kung saan pa huhugutin ang lakas ng loob na mapigilan ang sarili niya. “Aray! Aray!” Napansin ni Cath na sumabit ang tag ng damit sa suot na kuwintas ni Grace kaya mabilis niya itong tinulungan. “Wait, huwag ka munang gumalaw.” Hindi tumalikod si Grace. Lumapit lang ito kay Cath at yumuko para makita ni Cath ang bandang batok niya, kung saan sumabit ang tag. Halos magkadikit na ang mga katawan nila. Nararamdaman din niya ang buga ng hininga ni Grace na tumatama sa bandang leeg niya. Nanginginig ang kamay ni Catherine habang unti-unting kinakalas ang tag na sumabit sa kuwintas ni Grace. Pakiramdam ni Cath ay namasa ang kili-kili niya. “Ayan...okay na.” Lumayo siya nang bahagya kay Grace. Lumayo din si Grace at lumingon sa salamin. Saka lang nakahinga nang maluwag si Cath. “Ayan!” Tiningnan din ni Grace si Catherine na suot suot ang pink na dress. Siya naman ay suot ang blue. “Bagay na bagay sa atin, Cath!” Excited na excited si Grace. Sumang-ayon na lang si Catherine. “Oo nga...tara na labas na tayo dito.” Pagkasabi nito ay mabilis na hinubad ni Cath ang dress at muling isinuot ang mickey mouse shirt. Sumunod naman si Grace at nagpalit na din ng damit. Paglabas sa dressing room, muling humawak si Grace sa kamay ni Cath. Lihim na natuwa si Cath at humawak na din nang mahigpit sa kamay ni Grace. Hindi maintindihan ni Cath ang sayang nararamdaman niya habang magkahawak-kamay silang naglalakad ni Grace. Nang may madaanan silang boutique na para naman sa mga lalaki, doon naman nagyaya si Simon. Nakipagsiksikan sila sa dami ng tao sa loob. Matiyaga nilang binuntutan si Simon habang pumipili ito ng damit. Sa wakas ay nakapili ito ng tatlo at gustong sukatin lahat. Sinundan nila ito hanggang sa labas ng dressing room. Sila ang taga-hawak ng ibang damit na susukatin pa lang ni Simon. Mayamaya ay nagpaalam si Grace. Hindi na makatiis at naiihi na talaga. “Oops...hindi ko na talaga kaya. Hawakan mo ‘to, Cath. Dito ka lang, antayin mo si cuz. CR lang ako.” Mabilis na inilagay ni Grace ang mga damit sa kamay ni Catherine sabay tumalikod at naglakad nang mabilis. Walang nagawa si Cath kundi sundin ang sinabi ni Grace. Nakatayo lang siya at hinintay si Simon na matapos. “Cath, halika silipin mo.” Tinawag ni Simon si Catherine para makita nito sa salamin kung bagay ang napiling damit. Bumungad sa kaniya ang makisig na katawan ni Simon, na halatang halata sa napili nitong isukat na pang-itaas. Hapit ito sa katawan at bumakat ang malapad na dibdib ni Simon. Saglit lang na nagulat si Catherine pagkakita sa katawan ni Simon. Nagtaka din siya sa sarili niya dahil alam niya na napahanga siya. “Oo ‘tol! Bagay na bagay. Yan na ang bilhin mo.” “Okay sige. Ito na nga.” Naghubad agad si Simon kahit hindi pa nakakaalis si Catherine. Agad na tumalikod si Catherine dahil sa gulat kay Simon. Napapa-paypay siya sa mukha niya dahil pakiramdam niya ay namula siya. Nang lumabas si Simon ay wala pa din si Grace. Dumiretso na sila sa counter para magbayad. “Pagkatapos dito, doon na lang natin abangan sa entrance ng boutique si Grace. “Oo sige, tol.” Sang-ayon ni Catherine. Napalingon si Simon sa kanan at saktong nakita niya na may paparating na staff at may bitbit na mga kahon. Pabagsak na ang mga dala nito at hindi niya nakikita ang dadaanan niya. Malapit na malapit na ito kay Catherine na hindi pansin na may paparating sa likuran niya. Agad na hinatak ni Simon ang isang kamay ni Catherine para makaiwas sa pabagsak na mga kahon. Sa lakas ng pagkakahatak niya ay sumubsob sa dibdib niya si Catherine. Napayakap din siya sa likod ni Catherine para suportahan ito na hindi bumagsak. Parang tumigil ang mundo ni Catherine. Nagulat siya sa nangyari at ilang segundo na napayakap lang kay Simon. Pakiramdam niya ay narinig niya ang t***k ng puso ni Simon sa sobrang lapit ng mukha niya sa dibdib nito. Maging siya man ay nakaramdam na parang ang lakas ng pintig ng puso niya. Bigla niyang naitulak si Simon. “Huh, sorry Cath, hindi ko sinasadya. Iniwas lang kita kasi babagsakan ka ng mga kahon.” Paliwanag naman agad ni Simon. “Okay na, okay na.” Nakayuko si Catherine at ayaw ipahalata kay Simon na nahihiya siya. “Salamat ha.” Sabay tumalikod na ito at lumakad palabas. “Oh, saan ka pupunta?” Takang taka naman si Simon sa biglang pagtalikod ni Catherine. Hindi siya makasunod dahil nakapila siya sa cashier. “Abangan ko na si Grace.” Walang lingon likod na sagot ni Catherine. “Okay sige...madaming tao, mag-ingat ka.” Nag-aalala naman si Simon sa kaniya dahil siksikan ang mga tao at baka maipit si Catherine. Nag-aalala din siya na baka mapagsamantalahan ito ng mga bastos at mahipuan pa. Lutang na lutang kasi ang ganda nito sa karamihan. Napabuntong-hininga na lang si Simon habang hinahatid ng tingin ang papalayong si Catherine. Si Catherine naman ay nakahawak sa dibdib at pinapakalma ang sarili. Wala ito, wala ito. Nagulat lang ako, ang lakas kasi ng pagkakahatak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD