Nang umuwi si Catherine ng gabing iyon, hinatid siya ni Simon. Alam nito na magkaka-ilangan sila dahil sa nangyari kanina kaya agad siyang nagpaliwanag kay Catherine habang naglalakad sila. “Cath, yung tungkol sa kiss...” “Oo ‘tol, okay na gets ko na. Ginawa mo yun kasi papasok na si Grace at ayaw mong marinig niya yung tungkol sa pustahan.” “Yun nga...tama ka...” “Sorry, nakakalimutan ko palagi. Don’t worry, hindi naman ako galit.” “Salamat.” Ang dami pa sanang gustong sabihin ni Simon pero para siyang napipi. Masarap kang halikan Cath. Ang lambot ng mga labi mo. Ang bango bango mo. Hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang bango mo. “Oh, natahimik ka ‘tol? Sabi ko sa ‘yo wala na yun, huwag mo nang isipin yun.” Tinapik ni Catherine sa balikat si Simon. “Ah oo, oo naman, wala l